December 14, 2025

Home BALITA

E-bike, e-trike, ipagbabawal na sa mga pangunahing kalsada, simula Dec. 1!

E-bike, e-trike, ipagbabawal na sa mga pangunahing kalsada, simula Dec. 1!
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Tuluyan nang ipagbabawal ng Department of Transportation (DOTr) and Land Transportation Office (LTO) ang pagdaan ng mga e-bike at e-trike sa mga pangunahing kalsada.

Nilinaw naman ng ahensiya, sa pamamagitan ng tagapagsulong ng badyet na si Senador JV Ejercito, na hindi agad sila magsisimula ng paghuli sa mga gumagamit nito.

Ito ay matapos tanungin ni Senador Raffy Tulfo ang ahensiya hinggil sa mga programa para i-regulate ang paggamit ng e-bike at e-trike, na ayon sa kaniya ay naging paksa ng maraming reklamo sa kanyang tanggapan, at idinagdag pang sila na ang bagong “hari ng kalsada,” na humihigit pa sa mga pampasaherong jeepney.

“Lumalala po yung problema sa e-bike and itong mga nag-e-bike of course nagsasakay sila mga pasahero, walang mga lisensya, at of course dahil hindi sila rehistrado sa LTO wala din po silang insurance, third party liability, so kapag sila po ay nakasagasa then sorry na lang” ani Tulfo.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Samantala, may paglilinaw naman si Ejercito hinggil sa pagbabagong mangyayari simula Disyembre 1 para sa mga driver at operator ng e-bikes at e-trikes.

“By December 1, mag-iinfo drive muna sila, mag-iikot, sasabihan po muna lahat na nakikita. So bibigyan muna nila ng tsansa malaman po lahat, information campaign. Bago po sila manghuli. Warning po muna,” ani Sen. JV.

Sinabi naman ni Tulfo na wala siyang tutol sa mga e-bike at e-trike at iminungkahi ang pagpapalawak ng impormasyon sa publiko hinggil sa nalalapit na pagbabawal ng mga ito sa mga pangunahing lansangan.

“Don’t get me wrong. I don’t have anything against sa e-bike. Ito po ay ginagawang hanapbuhay ng iba nating mga kababayan,” ani Sen. Raffy.

Paglilinaw pa niya, “Ang gagawin ng LTO pumunta sa LGU and then yung LGU iimporhanan yung mga traffic enforcers. May mga kanya-kanyang traffic enforcers ang mga LGU. And these traffic enforcers, these people in barangays will inform naman itong e-bike or e-trike operators.”