Nilinaw ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Cristina Roque ang tunay niyang ibig sabihin sa kontrobersyal ngayon na ₱500 Noche Buena na nauna na niyang ipahayag sa publiko.
Ayon sa naging pagharap ni Roque sa media nitong Biyernes, Nobyembre 28, binalikan at nilinaw niya ang naging pahayag niya tungkol sa ₱500 Noche Buena sa panayam sa kaniya ng DZMM Teleradyo noong Huwebes, Nobyembre 27, 2025.
“I said, yes, kasya na ang ₱500 but it depends on the number of the family members. Kasi usually ang family members na kasya itong ₱500 is mom, dad, and two (2) children,” aniya.
Paliwanag pa ni Roque, “So ngayon, ‘yong ibang family members naman po ay mother and let’s say son, or father and then daughter or son, or can be mother, father, and one (1) child. ‘Yon po ‘yong explanation ko doon sa ₱500 [Noche Buena].”
Ani Roque, depende na raw sa isang pamilya kung mayroon pa silang dagdag na miyembro ang sasalo sa selebrasyon ng Noche Buena.
“But again the Noche Buena celebration would depend on the number of family members or even extended relatives that would be joining the Noche Buena celebration,” giit niya.
Basta paglilinaw umano niya, “When they asked the ₱500, this meant when I explained, this is for mother and father, and two children.”
Depensa pa ni Roque, pinagbasehan niya raw ang nasabing halaga para sa naturang selebrasyon sa Noche Buena price list ng DTI.
“And we got these prices from the price set by the DTI which is this Noche Buene price guide list,” ‘ika niya.
Matatandaang pinanindigan ni Roque na sapat na ang ₱500 para makabili ng mga ihahanda sa Noche Buena sa naging panayam ng DZMM Teleradyo sa kaniya noong Huwebes, Nobyembre 27.
MAKI-BALITA: ₱500, sapat na pang-Noche Buena! –DTI
“Kung tutuusin, [sa] ₱500 makakabili na kayo ng ham. Makakagawa ka na ng macaroni salad, makakagawa ka na rin ng spaghetti, depende rin po ‘yan kung ilan ‘yong taong kakain,” ani Roque.
Gayunpaman, nilinaw ni Roque na depende pa rin sa dami ng pamilya at mga pagkain na ihahain ang magiging budget nila para sa Noche Buena.
“‘Yong budget nila, it would really depend kung ano gusto nilang ihain sa kanilang pamilya this coming Christmas. Depende rin kung gaano kalaki ‘yong pamilya. Kung tatlo lang naman kayo, siyempre, mas kaunti ‘yon hindi ba? Kung apat kayo, edi mas malaki nang kaunti,” saad ng Kalihim.
Binanggit din niya na dahil mayroong bundles, pack, at price freeze na inimplementa ang DTI sa basic at prime commodities hanggang Enero 2026, kumpiyansa sila na makakatipid ang bawat pamilya sa bansa.
MAKI-BALITA: Rep. Ridon sa ₱500 pang-Noche Buena ng DTI: 'Sa anong planeta kasya yan?'
Mc Vinncent Mirabuna/Balita