December 12, 2025

Home SHOWBIZ

Catriona Gray, Elijah Canlas, iba pang artista inaasahang dadalo sa Trillion Peso rally sa EDSA!

Catriona Gray, Elijah Canlas, iba pang artista inaasahang dadalo sa Trillion Peso rally sa EDSA!
Photo courtesy: Catriona Gray (FB), Elijah Canlas (FB)

Inaasahang muling makikiisa si Miss Universe 2018 Catriona Gray at iba pang mga artista kagaya ni Elijah Canlas sa inaasahang malaking kilos-protesta sa EDSA People Power Monument sa Quezon City sa darating Nobyembre 30. 

Ayon sa naging panayam ng True FM kay Akbayan President Rafaela “Paeng” David nitong Biyernes, Nobyembre 28, sinabi niyang dadalo rin ang OPM band na Ben & Ben. 

“Happy tayo kasi some celebrities will be joining us na pangungunahan na ng Ben & Ben,” pagsisimula niya. 

Nagawa ring pasalamatan ni David ang nasabing banda dahil sa pagkansela raw ng gig nito sa parehong araw ng Linggo sa hangaring unahin ang “para sa bayan.” 

'Dropping in from the top of the world!' Sandro Muhlach, world record holder na

Pagpapatuloy pa niya, muli umanong dadaluhan ni Catriona, Elijah, at iba pang artista’t OPM bands ang ikakasa nilang Trillion Peso March Movement sa EDSA. 

“Mayroon din tayong ibang celebrities kasama na si Catriona Gray, Si Elijah Canlas, at iba apng mga banda katulad ng Over October, Hey Moonshine, and hopefully many more will be confirming,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Kasi may ilan pa po kaming hinihintay kung mapagbibigyan nila tayo muli this coming Sunday.” 

Samantala, umaasa naman si David na mas magiging triple pa raw ang bilang ng taumbayan na makikiisa sa ikakasa nilang kilos-protesta laban sa umano’y korapsyon sa bansa. 

“Tayo po ay umaasa na kung noon ay umabot po tayo over a hundred thousands, sana po kung kayang madoble o matriple pa nga ‘yong number ng attendees natin this time,” pagtatapos pa niya. 

Sa kabila nito, matatandaang kasama rin si Catriona sa mga celebrity at personalidad na nakimartsa sa naganap na "Trillion Peso March" kontra korapsyon noong Setyembre 21, 2025.

MAKI-BALITA: 'This is our moment to advance genuine reforms!' UP, suportado kilos-protesta laban sa korapsyon sa Nob. 30

MAKI-BALITA: 300k katao inaasahang dadalo sa ‘Trillion Peso Movement’ sa Nov. 30; higit 15k kapulisan, ipapakalat

Mc Vincent Mirabuna/Balita