January 25, 2026

Home BALITA

100,000 pamilya, apektado trabaho sa ‘construction industries’ dahil sa flood control scandal

100,000 pamilya, apektado trabaho sa ‘construction industries’ dahil sa flood control scandal
Photo courtesy: via MB

Tinatayang nasa daang libong pamilya na umano ang apektado ng kanselasyon ng operasyon sa construction industry bunsod ng isyu sa maanomalyang flood control projects.

Nanggaling ang naturang kumpirmasyon kay Sen. Win Gatchalian sa kasagsagan ng budget deliberation para sa Department of Labor and Employment (DOLE) noong Huwebes, Nobyembre 27, 2025.

"With this flood control issue, admittedly, [the construction industry] actually slowed down. We are seeing a slow down in our economic growth and that will also translate into more jobs that will be lost in the next few months if the decline in the construction industry continues," ani Gatchalian.

Dagdag pa niya, "Ibig sabihin, 100,000 na pamilya na apektado at talagang umaasa sa urgent at long term solutions."

Probinsya

Higit 5k security personnel, idineploy para matiyak kaligtasan sa ASEAN Summit

Kinuwestiyon din ni Gatchalian kung ano na raw ang tugon ng DOLE sa mga Pilipinong umaasa sa construction industry.

"Ano po ang ginagawa niyong hakbang ng Department? May plano ba silang nakahanda sa mga apektadong workers, contractors nawalan ng trabaho dahil sa pagkansela ng kanilang mga lisensya sa ilalim ng Philippine Contractors Accreditation Board?" anang senador.

Kaugnay nito, binigyang-diin din ni Gatchalian na marapat lang daw na makipag-ugnayan sa DOLE ang mga construction firms na may mga empleyadong malalagasan bunsod ng isyu ng flood control.

"Ang importante lang dito…ay yung construction industry itself ay makipag-ugnayan sa DOLE kung merong mga displacement because of this flood control issue," giit ni Gatchalian.