January 27, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Sinulit milyones! Mister wagi ng higit ₱225M sa lotto, nilihim sa kuripot na misis

Sinulit milyones! Mister wagi ng higit ₱225M sa lotto, nilihim sa kuripot na misis

Anong gagawin mo kung mabalitaan mo na lang isang araw na nanalo ka na pala ng limpak-limpak na salapi sa lotto?

Sa Tokyo, Japan, isang retiradong 66-anyos na mister ang naging sentro ng usapan online matapos mapaulat sa international news outlets na sinikreto niya ang napanalunang 600 milyong yen sa lotto mula mismo sa kaniyang asawa, at ginamit ito para mamuhay nang marangya sa loob ng ilang buwan.

Katumbas ito ng US$3.8 milyon, at kung sa Philippine peso naman, higit ₱225 milyon.

Ayon sa The Gold Online, na iniulat din ng South China Morning Post, tinukoy ang lalaki sa pangalang “S,” dating empleyado ng isang malaking manufacturing firm.

Human-Interest

ALAMIN: Paano ititigil ang procrastination?

Namumuhay siya at ang misis sa pinagsamang pensiyon na 300,000 yen bawat buwan, kaya’t mahigpit ang kanilang budget, lalo’t sinusuportahan pa ang pag-aaral ng dalawang anak.

Karaniwang nagbabasa si S ng diyaryo sa isang lokal na kapihan tuwing umaga, at pagkatapos mag-almusal, bumibili siya ng ilang tiket sa lotto na nagkakahalaga ng tig-300 yen (US$2).

Isang araw, sinabihan siya na nanalo siya ng malaking halaga at kailangan niyang magtungo sa bangko. Doon niya nalaman na siya ang tumama sa jackpot: 600 milyong yen. Nabigla raw siya noong una, subalit napagtanto raw niyang kapalaran na niya ang nagbigay ng kakaibang karanasan sa buhay. Aniya pa, mas mababa pa ang pagkakataong manalo sa lotto kaysa tamaan ng kidlat.

Sa isang iglap, nagbago ang lahat sa buhay niya. Paano niya

Sabi nga, kapag may asawa na ang isang tao, ang pera ng isa ay pera ng dalawa, subalit hindi ganoon ang nangyari.

Dahil napakakuripot at mahigpit sa paggastos, idinaan niya sa kasinungalingan at sinabing 5 milyong yen lamang ang napanalunan para umano sa pag-aayos ng bahay.

Habang ang pamilya’y walang kaalam-alam, nagpakasarap daw sa buhay si S at bumili ng mamahaling kotse, sunod-sunod na pamamalagi sa high-end hot spring resorts, at paglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Umabot daw sa 18 milyong yen ang naubos niya sa loob ng anim na buwan. Talagang nagpakasasa siya sa pera at sinulit ang milyones.

Upang hindi mahalata, itinatago niya ang bagong kotse sa isang hiwalay na parking area at patuloy na nagsusuot ng lumang damit.

Gayunman, unti-unti raw siyang nakaramdam ng matinding guilt, kalungkutan, at pagod sa pagpapanatili ng kaniyang “dalawang buhay.”

Habang naglalakbay, madalas niyang makita ang masayang pamilya ng iba, na nagpaalala sa kaniyang sariling pamilya at sa mapapait na alaala ng ama niyang namatay nang mag-isa matapos malubog sa problema sa buhay.

Dito niya napagtanto na ang biglaang pagdagsa ng pera ay hindi nagdala ng ligaya, kundi seryosong pagkalito sa sarili. Ang yaman da na hindi pinaghirapan ay may dalang bigat,” aniya.

Sa huli, kumonsulta si S sa isang financial planner at ipinasok ang halos 500 milyong yen sa insurance para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak sakaling siya ay pumanaw.

Kaya ano pang hinihintay mo, tumaya ka na rin sa lotto at baka mangyari din sa iyo ito!

                                                                    --- 

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.