December 12, 2025

Home BALITA Politics

Sen. Imee nag-congrats sa budget approval ng OVP: 'No questions asked, aprub agad!

Sen. Imee nag-congrats sa budget approval ng OVP: 'No questions asked, aprub agad!
Photo courtesy: Imee Marcos/FB

Nagpaabot ng pagbati si Sen. Imee Marcos sa tanggapan ng Office of the Vice President matapos maaprubahan sa Senado ang budget nito para sa 2026.

Mabilis na nakalusot sa plenaryo ng Senado ang panukalang 2026 budget nitong Huwebes, Nobyembre 27, 2025, matapos itong aprubahan sa loob lamang ng mahigit apat na minuto.

Agad na inaprubahan ang pondo ng OVP nang walang anumang tanong mula sa mga senador, bilang pagtalima sa parliamentary courtesy na ibinibigay sa isang co-equal branch ng gobyerno.

Si Senador JV Ejercito ang naghain ng mosyon para sa pag-apruba, at walang sinumang tumutol.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Ang aprubadong budget ng OVP ay ₱889 milyon. Matatandaang nauna nang inaprubahan ng House of Representatives ang mas mababang alokasyon na ₱733.2 milyon.

Dumalo mismo si Vice President Sara Duterte sa sesyon ng Senado habang tinatalakay ang budget ng kaniyang tanggapan. Nagpakuha naman ng larawan sa kaniya ang mga senador, kasama na si Senate President Tito Sotto III.

Kaugnay na Balita: 2026 budget ng OVP, inaprubahan ng Senado sa loob ng halos 5 minuto!

Sa Facebook post ni Sen. Imee, nagpaabot siya ng pagbati para kay VP Sara.

"No questions asked, aprub agad! Congrats, OVP!" mababasa sa caption ng post, kalakip ang larawan nilang dalawa.

Naka-tag ang Facebook post sa Facebook account nina VP Sara at Sen. Robin Padilla. 

Matatandaang inendorso ni VP Sara si Sen. Imee sa nagdaang national and local elections.