December 12, 2025

Home SHOWBIZ Events

Nanggulat! Ronnie Alonte, Loisa Andalio kinasal na

Nanggulat! Ronnie Alonte, Loisa Andalio kinasal na
Photo courtesy: Ronnie Alonte (IG)

Ikinagulat ng mga netizen ang balitang ikinasal na agad ang Kapamilya couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 26.

Ibinahagi ni Ronnie ang ilang mga larawan ng kanilang kasal sa mismong Instagram account niya, na may simpleng caption na "Zup! Mrs.Alonte."

Makikita rin sa post ang isang bride emoji at isang infinity sign.

Bumaha naman ng pagbati kina Ronnie at Loisa mula sa mga celebrity at netizen, na tila nagulat din sa kanilang pagpapakasal.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Matatandaang kamakailan lamang, naging usap-usapan pa ng mga netizen ang pag-flex ni Loisa sa engagement ring niya sa social media.

Nitong Martes, Nobyembre 26, lumabas naman ang video ng kanilang engagement sa YouTube channel.

"Eto na ang parinig mo @iamandalioloisa," biro pa ni Ronnie sa kaniyang caption. 

Matatandaang sa isang podcast, humirit ng biro si Loisa kay Ronnie na "beke nemen" daw gusto niyang mag-propose na sa kaniya. 

Kaugnay na Balita: ‘Parinig no more?’ Suot na singsing ni Loisa Andalio, agaw-pansin!

Naging jowa sina Ronnie at Loisa noong 2018, at noong Pebrero 2025, ipinagdiwang nila ang kanilang 9th anniversary bilang couple.