Naghayag ng pasasalamat si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel matapos umabot sa isang milyon ang kaniyang Instagram followers.
Kaugnay ito sa panawagan ng ilang fans ni R’Bonney na paramihin ang kaniyang IG followers, matapos ang umano’y mainsultong komento sa kaniya ni Miss Universe Organization (MUO) President Raul Rocha.
Mapapanood kasi sa isang video na kumakalat sa social media ang patutsada ni Rocha kay R’Bonney, kung saan sinabi niya na 800,000 lang umano ang followers nito, at hindi man lang umabot sa milyon, sa kasagsagan ng kaniyang Miss Universe stint.
Gayumpaman, pinasalamatan pa rin ni R’Bonney ang kaniyang mga tagasuporta, at inilahad niya na ito ay nagbigay sa kaniya ng mas malawak na platfom para sa kaniyang adhikain.
“In less than 24 hours, y'all got me to 1 MILLION followers! It was never about the numbers, but people have looked down on me just because of my social media follower count,” saad ni R’Bonney sa kaniyang IG post nitong Huwebes, Nobyembre 27.
Photo courtesy: R’Bonney Nola/IG
“Thank yall so much for supporting me. Maraming salamat sa suporta. Your support is so strong and so real. This gives me a bigger platform to share my passion for design. To use fashion as a force for good. It was always about advocating for the arts, making women feel beautiful in my designs, and sustainability through my brand @rbonneynola_design,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin din ng beauty queen ang kahalagahan ng “human connection” at buhay sa labas ng digital platforms.
“It feels crazy to celebrate this, but I’m happy. let’s not forget there’s still a whole world out there beyond digital platforms. Human connection and impact is still what’s most important,” sabi pa ni R’Bonney.
Matatandaang isa si R’Bonney sa mga itinalagang commentators sa ginanap na Miss Universe 2025 competition kamakailan, kung saan nakasama niya si Miss Universe 1993 Dayanara Torres ng Puerto Rico.
Vincent Gutierrez/BALITA