Hindi napanalunan ang milyon-milyong papremyo ng Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 27.
Walang nakahula sa winning combination ng Super Lotto na 03-16-07-35-42-38 na may kaakibat na premyong P23,948,578.80.
Wala ring nakapag-uwi ng P15,608,485.00 jackpot prize ng Lotto 6/42 na may winning numbers na 42-26-04-30-21-22.
Ibig sabihin nito, mas tataas pa ang papremyo ng mga nasabing lotto games sa susunod na bola.
Binobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo habang kada Martes, Huwebes, at Sabado naman ang Lotto 6/42.