December 14, 2025

Home BALITA

Mga lechon sa La Loma, ASF-free na!

Mga lechon sa La Loma, ASF-free na!

Inanunsyo ng Quezon City local government nitong Huwebes, Nobyembre  27,2025,  na idineklarang ASF-free o ligtas na sa African Swine Fever virus ang 14 na tindahan ng lechon sa La Loma matapos ang masinsinang sanitasyon at pagsunod sa mga itinakdang regulasyon.

Ayon sa pahayag ng QC government, “Matapos mag-isyu ng temporary closure order sa mga ito noong Nobyembre 13,, araw-araw nagsagawa ng disinfection sa loob ng isang linggo ang mga establishment katuwang ang City Veterinary Department at QC Health Department.”

Bukod sa disinfection, inatasan din ang mga tindahan na sumunod nang lubusan sa mga sanitary, safety, at health protocol upang maiwasan ang anumang kontaminasyon sa hinaharap.

Sinabi ng lungsod na tatlo sa mga establisimyento ang nabigyan na ng lifting order at pinayagang muling magbukas matapos makapasa sa regulasyon ng City Health Department at City Veterinary Department.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Tiniyak naman ng Quezon City government na tutulungan nito ang natitirang mga negosyo upang makumpleto ang kanilang compliance process.

Dagdag pa nito, “Patuloy na tutulong ang lokal na pamahalaan sa mga negosyante upang matiyak na ang lahat sa kanila ay makasunod sa mga protocol at mapanatiling de-kalidad ang mga produktong nagmumula sa La Loma.”