December 13, 2025

Home BALITA National

‘Happy birthday, Tito!’ Sen. Bam, nagpugay sa ika-93 kaarawan ni dating Sen. Ninoy Aquino

‘Happy birthday, Tito!’ Sen. Bam, nagpugay sa ika-93 kaarawan ni dating Sen. Ninoy Aquino
Photo courtesy: Bam Aquino (FB), MB FILE PHOTO

Muling inalala ni Sen. Bam Aquino ang kaniyang tito na si dating Sen. Ninoy Aquino sa ika-93 ng selebrasyon ng kapanganakan nito.

Ayon sa isinapublikong post ni Bam sa kaniyang Facebook account nitong Huwebes, Nobyembre 27, binalikan niya ang naging “tapang,” “lakas,” at “paniniwala” noon ni dating Ninoy.

“Ang buhay niya ay patuloy na nagpapaalala sa atin ng kanyang paninindigan: ang tapang na magsalita ng totoo, ang lakas ng loob na tumindig para sa karapatan ng taumbayan, at ang paniniwalang walang tunay na kapayapaan kung walang katarungan,” pag-alala ng senador.

Photo courtesy: Bam Aquino (FB)

Photo courtesy: Bam Aquino (FB)

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Pagpapatuloy pa ni Bam, inuna umano noon ni Ninoy ang bayan sa panahong naghahanap ng direksyon at tiwala ang mamamayang Pilipino.

“Sa panahong maraming Pilipino ang naghahanap ng direksyon at tiwala, lalo pang tumitibay ang halaga ng mga prinsipyong iniwan niya — katotohanan, pananagutan, at paglilingkod na inuuna ang bayan bago ang sarili,” aniya.

“Ito ang mga ipinaglaban ni Tito Ninoy, at ito rin ang dapat patuloy nating ipaglaban ngayon,” pagtatapos pa niya.

Matatandaang pasado 1:00 ng hapon noong Agosto 21, 1983, nang dumating si Ninoy sa Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport) kasama ang ilang international media. Doon ay naghihintay umano sa kaniya ang daan-daan niyang mga tagasuporta.

MAKI-BALITA: BALITAnaw: Agosto Biente Uno: Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino

Inihatid naman si Ninoy ng mga sundalo patungo sa isang sasakyang militar na maghahatid sana sa kaniya sa Fort Bonifacio.

Ngunit matapos lamang ang ilang segundo mula nang lumabas si Ninoy sa eroplano, narinig ang putok ng baril. Sinundan ito ng mga pagsigaw matapos makita ng mga tao sa lugar si Ninoy, nakahandusay at duguan kasama ang bangkay ng kinilalang si Rolando Galman.

MAKI-BALITA: BALITAnaw: Ang saysay sa kasaysayan ng laging nagmamadaling si Ninoy

MAKI-BALITA: #BalitaExclusives: Sino si Ninoy Aquino sa pananaw ng apo niyang si Kiko Dee?

Mc Vincent Mirabuna/Balita