January 11, 2026

Home BALITA Internasyonal

65-anyos na babae, natagpuang buhay bago ipa-cremate

65-anyos na babae, natagpuang buhay bago ipa-cremate
Wat Rat Prakhong Tham via AP

Natagpuang buhay pa ang isang 65-anyos na matandang babae sa loob ng kaniyang kabaong bago umano ito ipa-cremate. 

Nangyari ang insidente sa Wat Rat Prakhong Tham, isang Buddhist Temple sa Nonthaburi, Bangkok, Thailand, kung saan dinala roon ang matandang babae para sana i-cremate

Ayon sa general at financial affairs manager ng Wat Rat Prakhong Tham na si Pairat Soodthoop, nakarinig siya ng mahinang katok mula sa kabaong kaya pinabuksan niya ito at doon niya nakita na dahan-dahang iginagalaw ng matanda ang kaniyang kamay at ulo. 

“I was a bit surprised, so I asked them to open the coffin, and everyone was startled,” saad ni Soothoop sa panayam sa kaniya ng Associated Press.  

Internasyonal

Salamat sa ref! 2 mangingisda, 3 oras palutang-lutang sa ilog dahil sa bagyo

“I saw her opening her eyes slightly and knocking on the side of the coffin. She must have been knocking for quite some time," dagdag pa niya. 

Bago nangyari ang insidente, ibinahagi ni Soodthoop na ang matandang babae ay dinala ng kaniyang kapatid na lalaki sa templo mula sa probinsya ng Phitsanulok para ipa-cremate. 

Ikinuwento sa kaniya ng lalaking kapatid ng matanda na dalawang taon na raw itong bedridden. Humina na raw ang katawan at naging "unresponsive" bago tuluyang tumigil ang paghinga. 

Kaya inilagay ng lalaki ang matanda sa isang kabaong at unang dinala sa ospital sa Bangkok, lugar kung saan gusto raw ng matandang babae na i-donate ang kaniyang organs. 

Gayunpaman, hindi tinanggap ng ospital ang kahilingan ng lalaki dahil wala raw itong dalang opisyal na death certificate. Napagdesisyunan nitong dalhin sa templo ang matandang babae dahil nagbibigay ito ng libreng cremation service. 

Pero dahil wala ngang maipakitang death certificate, tinanggihan din ito ni Soodthoop.

Habang pinapaliwanag ni Soodthoop kung paano makakakuha ng death certificate ay doon na niya narinig ang mahinang katok mula sa kabaong. 

Samantala, dinala na ang matandang babae sa ospital para matingnan ng mga doktor.