January 09, 2026

Home BALITA Internasyonal

23 OFWs, apektado ng sunog Hong Kong; 1 nawawala—DFA

23 OFWs, apektado ng sunog Hong Kong; 1 nawawala—DFA
 (AP Photo/Chan Long Hei via MB)

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 23 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang apektado ng sunog mula sa high-rise apartment sa Hong Kong, habang isa naman ang nawawala. 

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ng DFA sa isang pahayag nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 27, bagama't wala silang naitalang namatay na Pinoy mula sa insidente ng sunog, ay may isang Pinoy na kabilang sa 23 apektado, ang nasa intensive care unit sa isang ospital sa Hong Kong. 

“The Consulate, together with the MWO-HK and OWWA-HK, conducted a joint visit of the shelters administered by the Hong Kong government to extend assistance to Filipino nationals affected by the fire,” anang DFA. 

Dagdag pa ng DFA, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Consulate at MWO-HK sa awtoridad sa Hong Kong upang matukoy ang kinaroroonan ng isang nawawalang Pinoy.

Internasyonal

Salamat sa ref! 2 mangingisda, 3 oras palutang-lutang sa ilog dahil sa bagyo

“The Consulate and MWO-HK will continue to coordinate with Hong Kong’s Police Force, Labour Department and Home Affairs Department to determine the whereabouts of one missing Filipino,” anang ahensya. 

“The Department is monitoring the situation in Tai Po closely. The Department also wishes to thank Hong Kong authorities who are helping locate, identify and assist affected Filipinos."

Samantala, sa kabuuan, umabot na sa 65 ang naitalang death toll mula sa "deadliest fire" sa Hong Kong, habang nasa mahigit 100 pa ang nawawala.