December 14, 2025

Home BALITA Metro

12 Metro Manila LGUs, pasado sa 2025 Child‑Friendly Local Governance Audit

12 Metro Manila LGUs, pasado sa 2025 Child‑Friendly Local Governance Audit
Photo courtesy: DILG National Capital Region/FB


Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) - National Capital Region (NCR) na 12 lungsod mula sa Metro Manila ang nakapasa sa 2025 Child‑Friendly Local Governance Audit (CFLGA).

Kaugnay ito sa inisyatibo ng DILG na gamitin ang CFLGA, na isang results-based assessment tool at mandatory audit, na layong bantayan ang performance ng bawat lokal na pamahalaan hinggil sa pag-implementa ng mga programang sisiguro sa kapakinabangan ng mga kabataan.

Sa ibinahaging social media post ng DILG National Capital Region nitong Huwebes, Nobyembre 27, ang pagkakapasa ng mga naturang lungsod ay nagpapakita ng “strong commitment” nito upang paigtingin ang mga karapatan ng mga kabataan.

“12 local government units (LGUs) within the National Capital Region (NCR) have successfully passed the 2025 Child‑Friendly Local Governance Audit (CFLGA), demonstrating strong commitment to upholding children’s rights to survival, development, protection, and participation,” saad nila sa kanilang post.

Narito ang 12 lungsod na nakapasa sa CFLGA:

1. City of Las Piñas
2. City of Makati
3. City of Malabon
4. City of Mandaluyong
5. City of Muntinlupa
6. City of Navotas
7. Pasay City
8. City of Pasig
9. City of Parañaque
10. City of San Juan
11. Quezon City
12. City of Valenzuela

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg



Photo courtesy: DILG National Capital Region/FB

Ayon pa sa DILG, ang CFLGA ay may adhikain ding impluwensyahan at bigyan ng kaalaman ang bawat LGU patungkol sa pagpaplano at pangangasiwa ng mga proyektong sisiguro sa “inclusivity” ng mga kabataan, at matiyak na sila ay may “access” sa inclusive social services na magpapalaya sa kanila sa kahirapan.

Vincent Gutierrez/BALITA