December 12, 2025

Home BALITA

VP Sara, nag-ambag ng ₱1M sa pabuya para maturo suspek na bumaril sa kapitan habang naka-FB Live

VP Sara, nag-ambag ng ₱1M sa pabuya para maturo suspek na bumaril sa kapitan habang naka-FB Live

Inanunsyo ng Davao del Sur Police Provincial Office nitong Miyerkules, Nobyembre 26, 2025, na aabot sa ₱2 milyon ang kabuuang pabuyang iniaalok para sa impormasyon na magtuturo sa mga responsable sa pagpatay sa isang barangay captain sa Digos City.

Ayon kay Police Captain Sheila May Pansoy, tagapagsalita ng Davao del Sur Police Provincial Office, ₱1 milyon sa naturang halaga ay mula kay Vice President Sara Duterte.

Naglaan naman si Governor Yvonne Cagas ng ₱500,000 para sa impormasyon na tutukoy sa gunman, at karagdagan ₱ P500,000 para sa impormasyon laban sa utak ng krimen.

Sinabi ni Pansoy na mayroon na silang mga natukoy na persons of interest.

Probinsya

'Dahil sa awa?' Tatay, pinatay dalawa niyang PWD na anak

Si Barangay Tres de Mayo Captain Oscar “Dodong” Bucol Jr. ay binaril at napatay habang kasalukuyang naka-Facebook Live nitong Martes ng gabi, ayon sa provincial police.

"Bandang alas-9:00 ng gabi noong Nobyembre 25, 2025, binaril ang biktima sa loob ng kanyang tirahan, partikular sa garahe," ayon sa pahayag ng Davao del Sur Police Provincial Office.

"Bahagi ng insidente ay naitala habang siya ay naka-Facebook Live," dagdag pa nito.

Batay sa pulisya, posibleng persons of interest ang mga indibidwal na dati nang binanggit ng biktima sa kaniyang mga naunang social media posts.