Umentrada si Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro kaugnay sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte sa kahandaan niya sakaling pumalit sa Pangulo.
Ayon sa isinagawang press briefing ng Palasyo nitong Miyerkules, Nobyembre 26, nagawang kuwestiyunin ni Castro ang publiko.
“Ang tanong din natin sa taumbayan, handa na po kayo sa mas marami pang Mary Grace Piattos?” tanong niya.
Dagdag pa niya, “It is not acceptable for a Vice President to anticipate the resignation of the President. Presidente na pinagsisigawan nilang bumaba sa puwesto.”
Ani Castro, malinaw raw na isa tiong politikal na destabilisasyon sa pamahalaan at pinapahina ni VP Sara ang paniniwala ng publiko sa kasalukuyang administrasyon.
“This is definitely a form of political destabilization. Pinapahina niya ang public confidence ng mga tao sa administrasyon,” aniya.
“And those words contribute to the climate of uncertainty and crisis,” pagdidiin pa niya.
Pagpapatuloy pa ni Castro, iyon daw ang balak at ginagawa ngayon ni VP Sara kung umaasa siyang pumalit sa pinakamataas na puwesto.
“Kung handa siya, makikita po natin nag-anticipate siya na mawawala ang Pangulo, ‘yan po ang balak nila, ‘yan po ang nasa isip nila, at ‘yan po ang ginagawa nila ngayon,” ‘ika niya.
Matatandaang tila handa si VP Sara na humalili sa puwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa gitna ng isyu ng korapsyon at napipintong destabilisasyon laban sa kasalukuyang administrasyon.
MAKI-BALITA: VP Sara sa kahandaang maging pangulo: ‘At binoto n’yo ako knowing I’m in the first in line’
“Of course, there's no question about my readiness,” saad ni VP Sara. “I presented myself to you when I was a candidate for vice president, with the understanding that I am the first in line in succession,” ayon kay VP Sara sa panayam ng media sa kaniya noong Martes, nobyembre 25, 2025.
Dagdag pa niya, “Wala nang tanong do'n kung ano ang gagawin ko. 'Yon ang mandate sa akin ng Constitution. At alam ko 'yon no’ng ako ay tumakbo. At binoto n’yo ako knowing I’m in the first in line.”
Samantala, wala pa naman inilalabas na bagong pahayag si VP Sara kaugnay mga nasabi ni Castro.
MAKI-BALITA: VP Sara sakaling mapatalsik si PBBM: 'Magkakagulo tayo!'
Mc Vincent Mirabuna/Balita