May 21, 2026

Home BALITA

'Script na pang-Netflix!' DA Sec. Laurel binoldyak mga paratang ni Zaldy Co sa agri sa bansa

'Script na pang-Netflix!' DA Sec. Laurel binoldyak mga paratang ni Zaldy Co sa agri sa bansa
Photo courtesy: via MB

Mariing itinanggi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang mga alegasyon ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kaugnay ng umano’y iregularidad sa usapin ng taripa, at tinawag itong walang katotohanan.

“Total baloney. A script na [puwedeng] pang-Netflix. ’Yan ang statement ko,” ayon kay Laurel sa opisyal niyang pahayag nitong Miyerkules, Nobyembre 26, 2025.

Nilinaw pa ng kalihim na hindi totoo ang paratang ni Co na siya lamang ang nagsulong ng pagbaba ng tariff.

 “Ang totoo lang na sinabi n’ya is pinag-usapan naming ibaba ang tariff. And it is not true that he suggested it alone; marami na [ang] nag-suggest. Ang recommendation niya, actually, was zero tariff, not 15 [percent].” ani Tiu.

Giit ni Laurel, walang basehan ang mga ibinibintang sa kanya at hindi niya minanipula ang anumang rekomendasyon ukol sa tariff adjustments.

'We will comply!' SILG Remulla, kikilos na sa pag-aresto kay Sen. Bato

Patuloy na umiinit ang iringan sa pagitan ni Laurel at Co habang hinihintay kung ano ang magiging susunod na aksyon ng mga kinauukulang ahensya.