December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Raul Rocha, pinaplanong ibenta ang Miss Universe

Raul Rocha, pinaplanong ibenta ang Miss Universe
Photo Courtesy: Raul Rocha, MU (FB)

Inanunsiyo ni Miss Universe Organization (MUO) President Raul Rocha na pinaplano na raw niyang ibenta ang nasabing pageant sa gitna ng kontrobersiya.

Ayon sa mga ulat kamakailan, tinalakay umano ni Raul sa panayam nito kay Mexican journalist Adela Micha ang tungkol sa ilang alegasyon ng misconduct sa organisasyon.

Sinabi umano ni Raul na bilang presidente ng (MUO) at 50% stakeholder nito ay naghahanap na siya ng ibang pagpapasahan para mangasiwa nito.

“I'm just so fed up. I'm so fed up with all the talk. I don't involve myself in that kind of thing," saad ni Raul.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Dagdag pa niya, “They want to come and tell you what decisions to make, how to make them, why you hire or fire people, and why you add or remove people.”

Matatandaang initriga kamakailan si Raul na may koneksyon umano siya sa nagwaging Miss Universe 2025 na si Miss Mexico Fatima Bosch.

Kaugnay na Balita: ‘Alam na agad sino panalo?’ Resigned MU 2025 judge, binansagang ‘fake winner’ si Miss Mexico

Ito ay matapos tawagin ni Lebanese-French musician Omar Harfouch si Fatima bilang “fake winner” sa katatapos lang na kompetisyon.

“Miss Mexico is a Fake winner,” panimula niya. “I, Omar Harfouch declared yesterday exclusively on the American HBO, 24 hours before the Miss Universe final, that Miss Mexico would win—because Miss Universe owner Raúl Rocha is in business with Fatima Bosch’s father.”

Pero pinabulaanan naman ito ni Raul sa pamamagitan ng isang dokumentong orihinal na nakasulat sa Mexican Spanish at isinalin sa English. 

Nilinaw ng MUO President na noong panahon ng bidding process ay wala siyang anomang ugnayan—direkta man o hindi—sa sinomang miyembro o opisyal ng organisasyon, at lalong hindi sa pamilya Bosch.

Maki-Balita: Inintriga ni Omar Harfouch! Raul Rocha kumuda sa pagkonek kay Fatima Bosch, pamilya