December 23, 2025

Home BALITA National

PBBM todo-trabaho, 'di nakakapagbakasyon sey ni Usec. Castro

PBBM todo-trabaho, 'di nakakapagbakasyon sey ni Usec. Castro

Tiniyak ni Palace Press Officer and Undersecretary Claire Castro ang kapasidad at kakayahan ni Pangulong Bongbong Marcos sa pamumuno ng bansa.

Ito ay sa kabila ng iba’t ibang isyu na kinakaharap ng administrasyong Marcos.

Sa isinagawang press briefing nitong Miyerkules, Nobyembre 26, itinanong kay Castro kung "fit to lead" ba ang pangulo. 

"Tinatanong pa ba 'yan? Of course, nakikita natin ang trabaho ng pangulo. Araw-araw hindi humihinto sa pagtratrabaho. Ni hindi nga po nakakapagbakasyon at hindi nakakapunta sa beach para mag-swimming. So, sino po ba talaga ang ready na maging lider ng bansa? Walang iba kundi ang Pangulong Marcos Jr.," mariing sagot ni Castro. 

National

‘Paano ako magkakaroon ng insertions sa 2025?’ Ridon, bumwelta kay Leviste sa umano’y ₱150 milyong insertions sa DPWH

Matatandaang kabi-kabila ang panawagan na bumaba na sa puwesto si Marcos, sa gitna ng isyu ng korapsyon at napipintong destabilisasyon laban umano sa kaniyang administrasyon.

Samantala, tila handa si Vice President Sara Duterte na humalili kay Marcos.

“Of course, there's no question about my readiness,” saad ni VP Sara.

MAKI-BALITA: VP Sara sa kahandaang maging pangulo: ‘At binoto n’yo ako knowing I’m in the first in line’