December 12, 2025

Home BALITA

Palasyo, nagdududa sa katauhan ni Co sa mga video

Palasyo, nagdududa sa katauhan ni Co sa mga video
Photo Courtesy: Zaldy Co, PCO (FB)

Naghayag ng pagdududa ang Malacañang sa imahe ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na lumalabas sa mga video statement nito.

Sa isinagawang press briefing nitong Miyerkules, Nobyembre 26, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro ang pinag-uugatan ng kanilang pagdududa.

Aniya, “Sa nakikita po natin na mga pag-iba-iba ng kaniyang mga imahe, hindi mawawala sa isipan kung siya man 'yon o hindi.

“But, still, sasagot po tayo. Ang nais lang po natin ay tapusin niya ang kaniyang salaysay. Kasi tuwing mapupuna natin ang kaniyang mga inconsistecies, nababago rin po ang kaniyang mga statement,” dugtong pa ni Castro.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matatandaang naglabas na naman ng panibagong video statement si Co noong Nobyembre 25 kung niya sinabing nagkaroon umano ng ₱50.938 billion insertions si Ilocos Norte 1st District Representative at House Majority Leader Ferdinand Alexander "Sandro" Marcos.

Ngunit agad ding pinabulaanan ni Marcos ang nasabing paratang ng kapuwa niya kongresista na naghahangad lang umanong pabagsakin ang gobyerno para maabswelto sa kinakaharap na kaso.

Maki-Balita: Sandro Marcos sa alegasyon ni Zaldy Co: 'Gustong pabagsakin administrasyon para maabsuwelto!'

Kasalukuyang may nakabinbing warrant of arrest si Co dahil sa pagkakasangkot niya sa maanomalyang flood control projects.

Maki-Balita: Zaldy Co, gumagamit umano ng ibang pasaporte kaya hindi maaresto—DILG