December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

'Kay Dominic lahat 'to?' Sue Ramirez, calendar girl ng isang liquor brand

'Kay Dominic lahat 'to?' Sue Ramirez, calendar girl ng isang liquor brand
Photo courtesy: Ginebra San Miguel/FB

Pormal nang ipinakilala ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez bilang calendar girl ng isang liquor brand na kilala sa mga gin beverages, ngayong Miyerkules, Nobyembre 26.

Makikita sa opisyal na Facebook page ng kompanya ang mga kalendaryo kung saan makikita ang alindog ni Sue.

"Sue Ramirez is the newest Ginebra San Miguel 2026 Calendar Girl! Prepare to be mesmerized as the Street Siren grace the streets," mababasa sa caption.

Matatandaang kamakailan lamang, ipinakilala naman ang dating Kapamilya star at ngayon ay Kapatid star na si Andrea Brillantes bilang calendar girl ng katapat na liquor brand.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Kaugnay na Balita: Andrea Brillantes sa pagiging calendar girl ng liquor brand: 'It's still me, just braver!'

Marami naman ang nakaabang kung ano ang reaksiyon ng karelasyon ni Sue na si Dominic Roque, sa bagong highlights sa career ng aktres. 

Bukod sa pagiging endorser, kabilang si Sue sa teleseryeng "What Lies Beneath" kasama sina Kaila Estrada, Janella Salvador, at Charlie Dizon. 

Samantala, ang naging calendar girl ng 2025 sa nabanggit sa parehong liquor brand ay si GMA Network star at tinaguriang "Asia's Limitless Star" na si Julie Anne San Jose. 

Kaugnay na Balita: Kim tatapatan daw si Julie Anne, 2025 calendar girl ng kalabang liquor brand?