December 12, 2025

Home SHOWBIZ

Joaquin Arce, isiniwalat ang kapansanan sa Bahay ni Kuya

Joaquin Arce, isiniwalat ang kapansanan sa Bahay ni Kuya
Photo Courtesy: PBB (YT)

Binuksan ni Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 housemate Joaquin Arce ang paksa tungkol sa kapansanan niya nang humarap siya sa Confession Room sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sa latest episode ng PBB: Celebrity Collab Edition 2.0 noong Martes, Nobyembre 25, sinabi ni Joaquin na ipinanganak daw siyang bingi ang kanang tenga.

Aniya, “Pinanganak po akong bingi sa kanan kong tenga. Never ko po naranasan na may dalawa po ‘kong tenga na nakakarinig.” 

“But in my entire life I’ve been looking at it in such a positive light na hindi ko po napansin ‘yong mga negatibong effects,” dugtong pa ni Joaquin.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Ayon din kay Joaquin, hindi raw niya naramdamang may special needs siya habang lumalaki.

“Kasi ‘yong mga magulang ko po they treated me like I was a deaf. They didn’t treat me na kawawa ako. They enforced positivity na dahil dito, unique ako,” anang housemate.

Kaya naman bilang bata, iniisip niya na ang kapansanan niya ay isang anyo ng super powers. 

Matatandaang nauna nang banggitin ng stepmom niyang si Angel Locsin ang kondisyong ito ni Joaquin sa isang X post.

Sabi ni Angel, "If he ever talks a bit loud or doesn't respond, please forgive him—our son is completely deaf in his right ear."