January 08, 2026

Home BALITA

Guro, patay sa pamamaril sa inuman; suspek, kursunada misis ng biktima?

Guro, patay sa pamamaril sa inuman; suspek, kursunada misis ng biktima?

Patay ang isang lalaking guro matapos pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa kaniyang kapitbahay sa Barangay Población Sur, Talavera, Nueva Ecija.

Ayon sa mga ulat, kinilala ang biktima na si Reynan Tiangco, 39-anyos. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na biglang dumating ang gunman habang nag-iinuman si Tiangco at agad siyang pinaputukan. Agad na tumakas ang mga salarin gamit ang motorsiklo.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Kinabukasan, sumuko sa mga awtoridad ang isang dating barangay kagawad na tinukoy ng saksi bilang isa sa mga suspek at namataang malapit sa lugar ng krimen. 

Politics

Walang basehan!' Solon, itinangging may parte sa 2026 nat'l budget ang impeachment para kay VP Sara

Ayon sa pulisya, lumalabas sa imbestigasyon na may pagkagusto umano ang suspek sa asawa ng biktima, na itinuturing na posibleng motibo sa pamamaril.

Itinanggi naman ng suspek ang paratang, at sinabing wala silang alitan ng biktima. “Kaibigan ko pong tunay, kuya ang tawag sa akin at wala po kaming pag-aaway, pag-aalit. Nagtataka nga po ako sa nangyari,” aniya. Nabatid na dati na siyang nasangkot sa kasong frustrated homicide.

Ayon sa pamilya ng biktima, wala silang alam na kaaway ni Tiangco at nanawagan sila ng hustisya sa insidente.

Patuloy namang tinutugis ng mga pulis ang gunman na siyang pangunahing salarin. Ayon kay Police Lt. Col. Rogelio Pacificar, hepe ng Talavera Police Station, sasampahan nila ng kasong murder ang suspek.