December 13, 2025

Home BALITA

'Compassion is not weakness!' Buhay Partylist, may pakiusap sa paglaya ni FPRRD

'Compassion is not weakness!' Buhay Partylist, may pakiusap sa paglaya ni FPRRD
Photo courtesy: via MB

May panawagan ang Buhay Partylist bago ilabas ng International Criminal Court (ICC) ang desisyon nito sa hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na interim release dahil sa lumalala umano niyang kondisyon sa kalusugan.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, Nobyembre 26, 2025, sinabi ni Assistant Minority Leader at Bagong Henerasyon (BH) Party-list Rep. Robert Nazal na kinikilala niyang marami pa ring Pilipino ang naghahanap ng hustisya para sa mga nakaraang pang-aabuso.

“We have walked a long, painful road as a people, through wounds both visible and unseen. Many still grieve. Many still wait for justice. And we must never diminish that pain, nor forget the cost of silence,” anang BH Partylist.

Dagdag pa nito, “However, we must also remember that justice is not vengeance, and that compassion is not weakness.”

National

'Not admission of guilt!' Surigao Del Sur solon, nagbitiw sa bicam committee dahil sa delicadeza

Nakatakdang maglabas ng hatol ang ICC Appeals Chamber sa Nob. 28, 2025. Ang mga ulat tungkol sa humihinang kalagayan ni Duterte habang nasa detensyon ay nagbunsod ng panawagan mula sa ilang grupo na isaalang-alang ang humanitarian grounds.

Ayon sa BH Party-list, si Duterte, na 80 taong gulang, ay isang dating makapangyarihang lider na ngayo’y matatandang naka-detine at humaharap sa mga seryosong problema sa kalusugan.

“Whether one sees a faded hero or a fallen leader, it is not difficult to see the shadows of our own fathers, and our own grandfathers: weak, frail, and mortal,” anang partylist.

Sinabi ng grupo na nagdarasal sila para sa desisyong isasaalang-alang ang karapatan ng mga biktima at ang mga humanitarian concern kaugnay ng kalagayan ni Duterte.

Anila, “On behalf of the Bagong Henerasyon Party-list, we are praying for a decision that balances justice with humanitarian compassion, and one that will help put closure on an issue that has divided our country. Let us also continue to pray for the former President especially for his health.”

Hinimok din ng party-list ang publiko na igalang ang proseso habang hinihintay ng bansa ang magiging pasya ng ICC.