December 12, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Modtaks, puwedeng maging antidepressants ng kababaihan?

ALAMIN: Modtaks, puwedeng maging antidepressants ng kababaihan?
Photo Courtesy: Freepik

Maraming beses nang pinatunayan ng mga scientific at medical research ang benepisyong naibibigay ng pakikipagtalik sa kalusugan ng kalalakihan.

Sa artikulo ng urologist na si Dr. Paulo Egydio, halimbawa, sinasabi niya na ang pakikipagtalik ay naiuugnay sa iba’t ibang physical at emotional advantages na nag-aambag para maitaas ang kalidad ng buhay. 

“Maintaining an active, safe, and healthy sex life can have positive effects, as sex can act like a real physical exercise, activating different body systems and releasing hormones responsible for well-being,” saad ni Egydio.

Dagdag pa niya, “Sex can also positively affect men’s self-esteem, especially by encouraging a more positive body image and self-confidence on an individual level. These perceptions have a direct impact on mental health and social relationships.”

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Kabilang umano sa mga benepisyo nito ay ang pagkakaroon ng matatag na immunity, maayos na tulog maayos na cardiovascular health, mababang posibilidad na manganib sa prostate cancer, at marami pang iba.

Pero hindi lang kalalakihan ang nakikinabang sa magandang epekto sa kalusugan ng pakikipagtalik, partikular ng semilya modtaks o semilya.  

Lumilitaw kasi sa isang pananaliksik noong 2002 sa State University ng New York sa Albany na may antidepressant effect umano sa kababaihan ang exposure sa “katas” ng lalaki. 

Tinangka umanong galugarin sa papel na ito nina Gordon Gallup Jr. at ng iba pa niyang kasama ang ginagampanan ng modtaks para maimpluwensiyahan ang mood at mental health ng mga babae.

Nagsagawa ng survey sina Gallup sa 293 kababaihang estudyante sa kolehiyo kaugnay sa sexual behavior saka gumamit ng Beck Depression Inventory (BDI) na isang standard tool para sukatin ang depressive symptoms. 

Pero hindi lang ang dalas ng pakikipagtalik ng mga subject ng pag-aaral ang tinutukan ng mga mananaliksik kundi maging ang paggamit din ng condom.

Ayon sa lumabas na datos gamit ang BDI scores, nakitaan umano ng mababang lebel ng depresyon ang mga babaeng nakikipagtalik sa lalaking walang condom kumpara sa mga babaeng nakipagtalik sa mga lalaking gumagamit nito.

Kaya bilang kongklusyon ng pananaliksik, sinabi nina Gallup na hindi lang sa mismong akto ng pakikipagtalik nagkakaroon ng pagkakaiba ang mga babaeng isinalang sa pag-aaral kundi maging sa exposure din ng mga ito sa modtaks.

Ngunit sa huli, mahalaga pa ring isaalang-alang ang ligtas na pakikipagtalik sa lahat ng pagkakataon.

Kung hindi sigurado sa kalusugan ng partner, gumamit ng condom para maiwasan ang mga sexually transmitted disease (STD) gaya ng human immunodeficiency viruses (HIV) na maaaring maipasa sa pamamagitan ng semilya habang nakikipagtalik.