January 08, 2026

Home BALITA Probinsya

53-anyos na lalaki, timbog matapos masamsaman ng ₱450k halaga ng shabu

53-anyos na lalaki, timbog matapos masamsaman ng ₱450k halaga ng shabu
Photo courtesy: Rizal Police Provincial Office/FB


Arestado ang isang 53 taong gulang na lalaki matapos makumpiskahan ng humigit-kumulang kalahating milyong halaga ng shabu, sa isinagawang buy-bust operation ng Antipolo Component City Police Station noong Martes, Nobyembre 25.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office sa kanilang social media post, ang nasakoteng suspek ay itinuturing na isang high-value individual (HVI), na nasamsaman ng pitong sachet ng shabu, na may timbang na aabot sa 67 gramo.

Ayon sa awtoridad, ang nasamsam na shabu ay na may standard drug price na ₱455,600.00.

Kasama ng nakumpiskang shabu ang isang itim na sling bag at ₱500 marked money, na magsisilbi ring ebidensya sa naturang operasyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Antipolo Custodial Facility ang naturang suspek habang isinasaayos ang dokumentasyon at karampatan niyang kaso.

Probinsya

Curious lang daw! Bagger sa mall, arestado dahil nandekwat ng condom



Posibleng humarap ang suspek sa mga kaso matapos ang paglabag nito sa Article 2, Section 5 & 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Vincent Gutierrez/BALITA