December 13, 2025

Home BALITA

VP Sara sa kahandaang maging pangulo: ‘At binoto n’yo ako knowing I’m in the first in line’

VP Sara sa kahandaang maging pangulo: ‘At binoto n’yo ako knowing I’m in the first in line’
Photo Courtesy: via MB

Tila handa si Vice President Sara Duterte na humalili sa puwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa gitna ng isyu ng korupsiyon at napipintong destabilisasyon laban sa kasalukuyang administrasyon.

Sa panayam ng media nitong Martes, Nobyembre 25, sinabi ni VP Sara na malinaw para sa kaniya ang mandato niya bilang pangalawang pangulo.

“Of course, there's no question about my readiness,” saad ni VP Sara. “I presented myself to you when I was a candidate for vice president, with the understanding that I am the first in line in succession.”

Dagdag pa niya, “Wala nang tanong do'n kung ano ang gagawin ko. 'Yon ang mandate sa akin ng Constitution. At alam ko 'yon no’ng ako ay tumakbo. At binoto n’yo ako knowing I’m in the first in line.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matatandaang nauna nang nausisa ang Bise Presidente kamakailan tungkol sa kahandaan niyang magsilbi bilang Pangulo sakaling bumaba o mapatalsik sa puwesto si PBBM. 

Maki-Balita: VP Sara sakaling mapatalsik si PBBM: 'Magkakagulo tayo!'