December 12, 2025

Home BALITA National

VP Sara, mas inaalala 'health problems' ni Roque kaysa sa passport

VP Sara, mas inaalala 'health problems' ni Roque kaysa sa passport
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, Harry Roque (FB)

Mas nag-aalala umano si Vice President Sara Duterte sa problema ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang kalusugan kaysa sa pagkansela ng Korte sa pasaporte nito.

Ayon sa naging pahayag ni VP Sara sa ambush interview nitong Martes, Nobyembre 25, sinabi niyang mas may higit na mas inaalala pa raw siya tungkol kay Roque maliban sa kaniyang pasaporte.

“I am concerned about the former Spokesperson Harry Roque more than his passport,” saad niya.

Dagdag pa ni VP Sara, “He has health problems and that is the primary concern.”

National

PBBM sa sektor ng edukasyon: 'Na-neglect natin nang napakatagal!'

Ani VP Sara, maiintindihan daw niya kung sasailalim sa medical procedure si Roque at hiling niya sa gumaling na ito.

“So I’m worried for his health and I understand [if he] underwent [a] medical procedure and I hope he get well soon,” ‘ika niya.

Samantala, hindi naman tinukoy ni VP Sara kung anong health problems ni Roque.

Kaugnay nito, matatandaang opisyal nang kinansela ng Pasig City Regional Trial Court ang pasaporte nina Roque, Katherine Cassandra Li Ong, mga ehekutibo ng Technology Resource Center na sina Dennis Cunanan, Ronelyn Baterna, at Mercides Macabasa noong Lunes, Nobyembre 24, 2025.

Nahaharap umano ang mga nabanggit na indibidwal sa kasong human trafficking na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) hub Lucky South 99 at Whirlwind Corporation.

Sa kabila nito, inihayag ni Roque na nakatakda umano siyang maghain ng motion for reconsideration kaugnay sa pagkansela ng Korte sa kaniyang pasaporte.

“Hindi pa po pinal ‘yan. Kaya nga po ako’y nagtataka kung bakit lahat sila’y nagsasabi na kanselado na ang passport ko. Mayroon pa po akong kinse (15) araw para mag-file ng motion for reconsideration at magpa-file po ako…” ayon sa video statement ni Roque sa kaniyang Facebook post noon ding Lunes, Nobyembre 24, 2025.

MAKI-BALITA: Roque, maghahain ng 'motion for reconsideration' sa pagkansela ng kaniyang pasaporte

Dagdag pa rito, iginiit ni din ni Roque na panggigipit umano sa kaniya ang dahilan sa pagkansela ng Korte sa kaniyang pasaporte.

“‘Yan po ay panggigipit sa akin dahil wala pong ebidensya na ako ay nag-recruit ng kahit sino para pagsamantalahan ang kanilang trabaho Wala rin pong ipinakitang ebidensya na ako po’y nakikipagsabwatan sa ganiyang pag-recruitment,” depensiya niya.

MAKI-BALITA: Harry Roque sa pagkansela ng Korte sa kaniyang pasaporte: 'Iyan ay panggigipit sa akin'

Mc Vincent Mirabuna/Balita