December 13, 2025

Home BALITA

Robredo, nilinaw na hindi dadalo ng rally sa Maynila

Robredo, nilinaw na hindi dadalo ng rally sa Maynila
Photo Courtesy: Leni Robredo, via MB

Nagbigay ng paglilinaw si dating Vice President at Naga City Mayor Leni Robredo kaugnay sa pagdalo niya sa kilos-protesta sa darating na Nobyembre 30.

Sa latest Facebook post ni Robredo nitong Martes, Nobyembre 25, itinama niya ang maling ulat ng isang media news company.

“Mali po ang news article na ito ng News5 claiming na kinumpirma ko na dadalo ako sa Nov 30 Rally sa Manila. Hindi ko po yun sinabi during my regular Monday morning presscon,” saad ni Robredo.

Dagdag pa niya, “Ang sinabi ko po na very supportive ako sa 2nd Trillion Peso March na gagawin dito sa Naga. Gaya ng dati, sasama ako, but will just be in the sidelines, and ang City Government handang tumulong sa pag secure ng event at kung ano pa ang kailangan.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matatadaang nauna na rin itong kinlaro ng dating spokesperson ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez sa comment section ng Facebook post ng abogado at political scientist na si Jesus Falcis.

Ani Gutierrez, “Just to clarify: Mayor Leni is going to the Nov 29 rally in Naga City. Not the Nov 30 rally.”

Kaugnay na Balita:  Robredo, dadalo sa kilos-protesta: ‘Pero sa tabi-tabi lang!’