Ipagbabawal na sa kabataang nasa edad 16 pababa ang paggamit ng social media simula Disyembre 10.
Naniniwala ang pamahalaan ng Australia na sa implementasyon ng social media restriction sa kabataan nila, mapoprotektahan ang mental health ng mga ito mula sa mga epekto ng cyberbullying, online predators, at iba pang mapanirang content.
“[D]elaying account access until 16 will give young people more time to develop important skills and maturity. It’s breathing space to build digital literacy, critical reasoning, impulse control and greater resilience,” saad sa eSafety Commissioner website ng Australia.
Sa pamamagitan daw ng aksyong ito, mabibigyan ng pagkakataon ang kabataan na maturuan ng mga paraan kung paano magiging ligtas sa online world.
“It also means there’s extra time to teach under-16s about online risks and the impacts of harms, as well as how to stay safer online and seek help when they need it. This will give young people a better chance to prevent and deal with issues once they turn 16 and can have full social media accounts,” dagdag pa rito.
Ayon sa lathala ng UNICEF (United Nations Children's Fund) Australia, epektibo ang nasabing ban sa social media platforms na YouTube, X, Facebook, Instagram, TikTok, Snapchat, Reddit, Twitch, at Kick.
Habang ang apps naman na “Messenger Kids,” WhatsApp,” “Helpline,” “Google Classroom,” at “Youtube Kids” ay hindi parte ng ban.
Sa Pilipinas, inihain ni Sen. Panfilo Lacson sa Senado noong Hulyo 2022 ang panukalang nagbabawal rin ng paggamit ng social media sa kabataang nasa edad 18 pababa.
Sinuportahan din ito ng Malacañang bilang pagsasaalang-alang ng kabataang Pinoy.
“[K]ung ano iyong makabubuti sa ating mga kababayan lalung-lalo na sa kabataan, kung ito po talaga ay magko-cause ng mental health issues, sususugan din po ng Pangulo iyan at makakakuha siya ng suporta basta po ito ay para sa taumbayan at lalung-lalo na para sa kabataan,” ani Palace Press Officer and Communications Undersecretary Claire Castro.
Sean Antonio/BALITA