December 13, 2025

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Magaling din sa nota! Salome Salvi, pinasok na ang pagkanta sa pelikula

Magaling din sa nota! Salome Salvi, pinasok na ang pagkanta sa pelikula
Photo courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (IG)/SM Cinema (FB)

Pormal nang pinasok ng adult content creator na si Salome Salvi ang singing era matapos maging bahagi ng isang musical movie na na idinirehe ni Dennis Marasigan.

Sa video ng naganap na press conference, ibinahagi ni Salome na pumasok ang nabanggit na oportunidad sa kaniya, kaya ayaw na niya itong palampasin, dahil nais din niyang i-reawaken ang kaniyang singing talent.

Ang pamagat ng nabanggit na musical film ay "Nasaan si Hesus."

Aniya, bata pa lamang siya ay talagang mahilig na siyang kumanta, subalit mas binigyang-pansin niya ang iba pang hobbies gaya ng drawing.

Musika at Kanta

Cup of Joe, nanguna bilang ‘Top Local Artist’ at ‘Top Local Group’ sa Spotify Wrapped 2025

Kaya namang mapasama siya sa casting, agad niyang sinunggaban ang pagkakataon at talagang nag-ensayo para dito.

Nagulat naman si Direk Dennis sa effort na ipinakita ni Salome, dahil may dala-dala pa raw itong notebook kung saan nakasulat ang notes niya sa iba't ibang interpretation niya sa lyrics at eksena ng pelikula.

Ang “Nasaan Si Hesus” ay isang pelikulang tatalakay sa "Christian values" tampok ang kombinasyon ng musika at makabagbag-damdaming kuwento.

Kasama rin sa powerhouse cast sina Janno Gibbs, Rachel Alejandro, at Jeffrey Hidalgo, na pawang kilala sa kanilang kontribusyon sa musika at pelikulang Pilipino.

Kasama rin dito sina Geneva Cruz, Marissa Sanchez, Via Antonio, Chloe Jenna, at Cecil Paz, kung saan ipakikilala rin dito sina Rachel Gabreza at Giani Sarita.

Kaugnay na Balita: Salome Salvi, ‘nasarapan’ sa mga Pinoy