Inilarawan ni actress-dancer Yassi Pressman ang relasyon niya kay Camarines Sur 2nd District Representative Luigi Villafuerte bilang “best relationship I ever had in my life.”
Sa ulat ng ABS-CBN News noong Lunes, Nobyembre 24, sinabi ni Yassi na bagama’t hindi pa sila kasal ni Luigi, masasabi niyang sobrang saya niya sa loob ng dalawang taon nilang relasyon.
“We’re not just taking everything in a rush situation,” saad ni Yassi. “Two years in, extremely happy. Best relationship I ever had in my life.”
“Mahal na mahal ko si Luigi tapos pinakagrabe ‘yong nararamdaman kong love niya for me,” wika niya.
Dagdag pa ng aktres, “This is the most I’ve been loved ever. It’s a beautiful thing na ina-admire niya ako bilang tao — everything, flaws and all.
Ito ay sa kabila ng ng mga negatibong komentong ibinabato ng publiko laban sa kanila. Matatandaang tinalakan si Yassi noong Oktubre 2024 sa kasagsagan ng “Siargao issue” habang binabayo ng bagyong Kristine ang malaking bahagi ng Bicol Region.
Maki-Balita: Yassi, tinalakan ng netizens dahil sa Siargao issue ng Villafuertes
Bukod dito, hindi rin nagustuhan ng maraming netizens ang kumalat na video clip nila ni Luigi kung saan makikitang hinalikan siya nito sa stage sa ginanap na Kaogma Festival noong Mayo 2024.
Maki-Balita: Yassi Pressman, hinigop ni Gov. Luigi Villafuerte
Pero ayon kay Yassi, dedma lang daw sila sa bash at hanash ng ibang tao laban sa kanila dahil marami ring nagbibigay sa kanila ng love at energy.