December 12, 2025

Home BALITA National

Hontiveros sa kanselasyon ng passport nina Roque, Ong: 'Hindi nila habambuhay matatakbuhan...'

Hontiveros sa kanselasyon ng passport nina Roque, Ong: 'Hindi nila habambuhay matatakbuhan...'

Nararapat lang daw ang ginawang kanselasyon ng pasaporte nina Harry Roque at Cassandra Li Ong, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Opisyal nang kinansela ng Pasig City Regional Trial Court ang pasaporte nina Roque, Ong, mga ehekutibo ng Technology Resource Center na sina Dennis Cunanan, Ronelyn Baterna, at Mercides Macabasa noong Lunes, Nobyembre 24, 2025. 

Nahaharap umano ang mga nabanggit na indibidwal sa kasong human trafficking na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) hub Lucky South 99 at Whirlwind Corporation. 

"Si Cassie Li Ong at Harry Roque ay nahaharap sa mabigat na kaso ng human trafficking. Dapat lang na kinansela ang pasaporte nila lalo pa na tila tinatakasan nila ang batas," saad ni Hontiveros noon ding Lunes sa isang pahayag.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

"I am positive that soon enough they will be brought home to face the charges against them. Hindi nila habambuhay matatakbuhan ang kanilang pananagutan," giit pa ng senadora.

"Our government must also not stop until other criminal syndicates that enabled these POGO scam hubs are made accountable. The conviction of Alice Guo is not the end of the story. Hindi lang siya ang mananagot — dapat lahat na sangkot," pagtatapos pa nito.

Samantala, iginiit ni Roque na panggigipit umano sa kaniya ang dahilan sa pagkakansela ng Korte sa kaniyang pasaporte.

Maki-Balita: Harry Roque sa pagkansela ng Korte sa kaniyang pasaporte: 'Iyan ay panggigipit sa akin'