December 12, 2025

Home BALITA

'Hindi ako magtatago!' Arjo, haharapin alegasyon sa maanomalyang flood control projects

'Hindi ako magtatago!' Arjo, haharapin alegasyon sa maanomalyang flood control projects
Photo Courtesy: via MB

Nanindigan si Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde na haharapin niya ang lahat ng paratang na ibinato sa kaniya kaugnay sa maanomalyang flood control projects. 

Sa ambush interview nitong Martes, Nobyembre 25, sinabi ni Atayde na “hearsay” pa lang lahat ng alegasyon laban sa kaniya.

“Again, it's all hearsay, po, Sir, e. Kasi until now as I said, mas mabuti pong bago magturo e ibigay muna sa akin 'yong ebidensiya laban sa atin,” saad ni Atayde.

Dagdag pa niya, “Kasi, up to this point, since September 8, they haven't even given out anything against my father.”

Bato, masayang nakita ang apo

Ayon sa kongresista, bukas din ang ama niyang si Art Atayde na sumailalim sa imbestigasyon dahil wala naman silang itinatago.

"Wala kaming tinatago. Hindi ako magtatago. Hindi ako iiwas. Hindi ako lilipad ng ibang bansa. I'm here to thoroughly go to the investigation to fight for my innocence," dugtong pa niya.

Matatandaang kasama si Atayde sa listahan ng mga politikong tumanggap umano ng porsiyento mula sa mga proyekto ng Discaya.

Ayon kay Curlee Discaya, isa sa may-ari ng St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corp. at Alpha & Omega General Contractor & Development Corp, may mga opisyal umano mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na lumapit sa kanila para kunin ang parte sa proyekto.

Maki-Balita: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya

Pero nauna na itong pabulaanan ni Atayde sa pamamagitan ng kaniyang Instagram story noong Setyembre 8.

Maki-Balita: Arjo Atayde, itinangging nakakuha ng porsiyento sa mga proyekto ng Discaya