December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Eman, Jillian nagkadaupang-palad at nagkayapusan!

Eman, Jillian nagkadaupang-palad at nagkayapusan!
Photo courtesy: Eman Bacosa (FB), Sparkle GMA Artist Center (FB), Jillian Ward (FB)

Opisyal nang nagkita sa personal sina Eman Bacosa Pacquiao at kamakailang inispluk na natitipuhan niyang Kapuso Star at aktres na si Jillian Ward. 

Ayon sa videong ibinahagi sa publiko ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang Facebook page noong Lunes, Nobyembre 24, makikita sopresang paglabas ni Eman para batiin si Jillian sa ginanap na premiere night ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) Gabi Ng Lagim The Movie.

Sa naturang video, makikita ang pakikipag-daupang-palad at pagyakap ni Eman kay Jillian na siya namang kinakiligan ng mga taong nakakita dito. 

“MAY SUMUPORTA KAY JILLIAN! Special guest alert! Eman Bacosa-Pacquiao made sure not to miss the premiere night of #KMJSGabiNgLagimTheMovie,” mababasa caption ng Sparkle. 

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Photo courtesy: Sparkle GMA Artist Center (FB)

Photo courtesy: Sparkle GMA Artist Center (FB)

Dahil dito, umami ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens na matagal nang naghihintay sa pagkikita ng dalawa. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing video:

“Ang bilis mo Emman ah, parang suntok ni Pacquiao” 

“Akoa ra si emman please HAHAHHA d jk” 

“Manny Pacquiao pro max and jinky pro max” 

“Nako Emman naka touching mo Pala” 

“Sana ganun lahat nang nagka-crush, nagko-cross ang landas. Kilig much” 

“EMMAN YUNG KAMAY MOOOOOOOO” 

“Ay kinikilig c jillian ward” 

“Dipa nag kiss ei hahahah” 

Matatandaang inamin mismo ni Eman Bacosa na natitipuhan niya si Jillian Ward. 

MAKI-BALITA: 'Susunod na Jinkee?' Eman Bacosa, type si Jillian Ward!

Ayon sa naging Fast Talk ni Eman kay Asia's King of Talk Boy Abunda noong Martes, Nobyembre 18, walang pagdadalawang-isip na binanggit ng batang boksingero na si Jillian ang Pinay aktres na natitipuhan niya. 

“Crush mong artistang Pinay?” pagtatanong ni Tito Boy. 

“Jillian Ward,” ani Eman.

Maririnig naman ang kilig na namutawi sa nasabing segment mula sa mga manonood sa loob ng studio. 

Pagtatanong pa ni Tito Boy, “one to ten, gaano mo kagustong ligawan si Jillian Ward?” 

“Five,” sagot naman ni Eman.

MAKI-BALITA: Eman Bacosa, Sparkle artist na; hinihiritang itambal kay Jillian Ward na crush niya

MAKI-BALITA: ‘I hope to see you soon too!' Jillian Ward, bet ding ma-meet si Eman Bacosa

MAKI-BALITA: 'Mana sa ama!' Anak ni Manny Pacquiao, wagi sa Thrilla in Manila 2

Mc Vincent Mirabuna/Balita