Muling inilatag ng aktor at Quezon City 1st District Rep. na si Arjo Atayde ang ilang umano’y totoong detalye sa isyu ng flood control projects na kinasasangkutan niya.
Sa inisyung pahayag ni Atayde nitong Martes, Nobyembre 25, sinabi niyang lahat ng flood control projects sa kaniyang distrito ay naihain na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bago pa man makarating sa Kongreso.
Aniya, “All flood control projects in my district were initiated and proposed by the DPWH, long before they reach Congress.”
“I was never part of the Bicameral Conference Committee, the only group allowed to alter the national budget,” pagpapatuloy ng kongresista.
At, dagdag pa niya, wala raw siyang awtoridad sa mga DPWH procurement, contractor selection, project implementation o maging sa payment release gaya ng iba pang kasapi ng Kongreso.
Bukod dito, nilinaw din ni Atayde na wala siyang kahit na anomang koneksyon sa contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya.
“Wala pong kahit anong ugnayan na magdudugtong sa amin. The DPWH itself has certified that the projects in my district exist, are implemented, and are fully documented,” saad niya.
Maki-Balita: Arjo Atayde, ipinagdiinang walang koneksyon kay Curlee Discaya
Matatandaang kasama si Atayde sa listahan ng mga politikong tumanggap umano ng porsiyento mula sa mga proyekto ng Discaya.
Ayon kay Curlee, may mga politiko at opisyal umano mula sa DPWH na lumapit sa kanila para kunin ang parte sa proyekto.
Maki-Balita: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya
Pero nauna na itong pabulaanan ni Atayde sa pamamagitan ng kaniyang Instagram story noong Setyembre 8.
Maki-Balita: Arjo Atayde, itinangging nakakuha ng porsiyento sa mga proyekto ng Discaya