December 13, 2025

Home BALITA Metro

Arjo Atayde, ipinagdiinang walang koneksyon kay Curlee Discaya

Arjo Atayde, ipinagdiinang walang koneksyon kay Curlee Discaya
Photo courtesy: Arjo Atayde (FB), MB FILE PHOTO

Igniit ni Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde na wala siyang anomang kaugnayan sa kontrobersiyal na contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya.

Sa inisyung pahayag ni Atayde nitong Martes, Nobyembre 25, sinabi niyang nilinaw niya mismo sa harap ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang tungkol sa bagay na ito.

“Wala pong kahit anong ugnayan na magdudugtong sa amin. The DPWH itself has certified that the projects in my district exist, are implemented, and are fully documented,” saad ni Atayde.

Dagdag pa niya, “Wala pong ghost project sa distrito natin. Wala pong ninakaw na pera ng bayan.”

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Kaya naman inihayag ni Atayde na handa siyang harapin ang lahat ng ibinabatong paratang laban sa kaniya kauagnay sa maanomalyang flood control projects dahil wala umano siyang itinatago.

"Wala kaming tinatago. Hindi ako magtatago. Hindi ako iiwas. Hindi ako lilipad ng ibang bansa. I'm here to thoroughly go to the investigation to fight for my innocence," dugtong pa ng kongresista.

Sa katunayan, patuloy daw siyang makikipagtulungan sa ICI hanggang sa matapos ng komisyon ang trabaho nito.

Aniya, “Haharap muli ako kung kinakailangan. Hindi ako iiwas. I owe that to the public I serve, and to my own conscience.”

Matatandaang kasama si Atayde sa listahan ng mga politikong tumanggap umano ng porsiyento mula sa mga proyekto ng Discaya.

Ayon kay Curlee, may mga opisyal umano mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na lumapit sa kanila para kunin ang parte sa proyekto.

Maki-Balita: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya

Pero nauna na itong pabulaanan ni Atayde sa pamamagitan ng kaniyang Instagram story noong Setyembre 8.

Maki-Balita: Arjo Atayde, itinangging nakakuha ng porsiyento sa mga proyekto ng Discaya