December 13, 2025

Home BALITA

'We will find you!' Mensahe ni DILG Sec. Remulla, sa mga nagtatagong akusado sa flood control

'We will find you!' Mensahe ni DILG Sec. Remulla, sa mga nagtatagong akusado sa flood control
Photo courtesy: screengrab RTVM/FB

Tahasang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla, na mahahanap ng mga awtoridad ang mga nagtatagong akusado kaugnay ng kontroberysal na maanomalyang flood control projects.

Sa press briefing nitong Lunes, Nobyembre 24, 2025, kumpiyansa si Remulla na matitimbog nila ang mga indibidwal na nagtatago sa loob at labas man ng bansa.

“No matter where you are in the world, we will find you. If you are at large, we will find you. If you are hiding in the Philippines we will find you” ani Remulla.

Narito ang mga akusadong nagtatago umano sa iba't ibang bansa:

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

1. Dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co- hindi pa tukoy ang lokasyon

2. SUNWEST Chairman Aderma Angelie Alcazar- New Zealand

3. Board of Director ng SUNWEST Cesar Buenaventura- New York

4. OIC-Planning and Design Dvision sa DPWH Montrexis Tamayo- Jordan

Narito pa ang mga pinangalanang akusado ng DILG:

1. Gerald Pacanan

2. Gene Ryan Altea

3. Ruben Santos 

4. Dominic Serrano

5. Juliet Calvo

6. Dennis Abagon

7. Lerma Cayco

8.Felisardo Casuno

9. Timojen Sacar

10. Consuelo Aldon

11. Noel Cao

12. Anthony Ngo

Samantala kaugnay naman ng walong kataong kumpirmadyo nang nasakote ng pulisya, tiniyak naman ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na ito pa lamang daw ang simula sa malawakang pag-aresto sa mga nasa likod ng naturang maanomalyang proyekto.

"Nandito na po tayo sa punto na mananagot na po lahat ng mga dapat managot pero umpisa pa lang po ito. Ito po ang unang-unang kaso tungkol sa flood control sa Oriental Mindoro. Pero marami pa pong parating na kaso. Marami pa pong makakasuhan. Marami pa pong maaresto," ani Dizon.

KAUGNAY NA BALITA: Dizon sa pagkaaresto ng 8 sangkot sa maanomalyang flood control projects: 'Umpisa pa lang ito!'