December 12, 2025

Home BALITA National

VP Sara sa kabataang tunay na nakauunawa: 'They are empowered to demand accountability!'

VP Sara sa kabataang tunay na nakauunawa: 'They are empowered to demand accountability!'
Photo courtesy: Inday Sara Duterte/FB


Nagbigay ng pahayag si Vice President Sara Duterte hinggil sa selebrasyon ng National Book Week simula Nobyembre 24 hanggang Nobyembre 28.

Aniya, ang kabataang tunay na nakauunawa sa kanilang binabasa ay may kapangyarihang makabuo ng mga matalinong desisyon, humiling ng “accountability,” at maging aktibo sa paghubog ng kanilang hinaharap.

Sa ibinahaging video statement ni VP Sara nitong Lunes, Nobyembre 24, iginiit niya na ang gap sa literacy rate ng mga Pilipino ay isang kritikal na isyu.

“The 2024 Functional Literacy Survey reveals that while 9 out of 10 Filipinos have basic literacy, only 7 out of 10 aged 10 years old to 64 are considered functionally literate. This stark gap reveals a critical challenge—many Filipinos struggle with the deep comprehension needed for informed citizenship. This National Book Week, let us recognize the challenge of the digital age. We are conditioned to consume information for speed, not depth, often sacrificing the sustained focus that true understanding demands,” panimula ni VP Sara.

“Comprehension begins as a daily practice at home, where understanding becomes instinct. Our schools must reinforce this by teaching students that reading is the key to thinking critically and questioning what they encounter,” dagdag pa niya. “When our youth can truly comprehend what they read, they are empowered to make informed decisions, demand accountability, and actively shape their own futures.”

Hinikayat din ng Bise Presidente ang mga Pilipino na tuklasin ang kasiyahan sa pagbabasa.

“This National Book Week, I urge every Filipino to discover the joy of reading to enrich their understanding. Reading reconnects us to wisdom larger than our own experience and prepares us to confront and overcome the pressing challenges of our time,” anang Bise Presidente.

“Magbasa. Linangin ang kaisipan at diwa sa tamang pang-unawa. Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino,” pagtatapos niya.

Matatandaang kasabay ng paglathala ng librong “Isang Kaibigan” ni VP Sara kamakailan, hiniling niya ang patuloy na paghikayat sa mga kabataan na magbasa ng aklat.

“Nawa’y patuloy nating hikayatin ang ating mga kabataan na magbasa ng mga aklat, lumundag sa mga pahina nito, at pasiglahin ang kanilang pagmamahal sa pag-aaral," saad ni VP Sara.

KAUGNAY NA BALITA: TINGNAN: Ano nga ba ang nilalaman ng 'Isang Kaibigan' book ni VP Sara Duterte?-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA