December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

‘The OG nepo baby!’ Netizens, nilaro outfit ni Angeline Quinto sa Star Magical Christmas 2025

‘The OG nepo baby!’ Netizens, nilaro outfit ni Angeline Quinto sa Star Magical Christmas 2025
Photo courtesy: Cinema One (FB), starcinema (IG)

Gumawa ng ingay online ang naging pagrampa ni Angeline Quinto sa Star Magical Christmas 2025 noong Linggo, Nobyembre 23, matapos niyang isuot ang “iconic” overalls ng sikat niyang karakter sa isang family comedy-drama na pelikula. 

Sa temang “Sleigh the Night,” nagningning ang mga personalidad sa Okada Manila, suot ang kanilang mga “stylish and imaginative” Christmas at holiday fashion. 

Habang ibinalandra ng maraming female celebrities ang kanilang long gowns at cocktails dress sa red carpet, inirampa ni Angeline ang “iconic” blue overalls ng karakter niya sa family comedy-drama, “4 Sisters and a Wedding” na si “Princess Antoinette May Bayag.”

Dahil dito, hindi pinaglagpas ng netizens ang pagkokomento sa naging inspirasyon sa stylish look ni Angeline, kung saan karamihan dito ay may reference sa nasabing pelikula at karakter niya doon. 

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

“[T]he [OG] nepo baby”

“Shining, shimmering, splendid the one and only, PRINCESS ANTOINETTE MAE BOYOOOOOOGG”

“[C]hararat? [F]rench word for?”

“Princess Bayaugh namin yan”

"’[Y]ong nagfi-feeling broadway singer, kulang na nga sa talent, kulang pa sa fes’ - Alex [Salazar]” (karakter na ginamapanan ni Angel Locsin sa nasabi ring pelikula. 

May ilan namang humirit na dapat raw ay si Enchong Dee ang kasama rumampa ni Angeline sa red carpet dahil sa naging mag-nobyong gampanin nila sa 4 Sisters and a Wedding.

“Dapat si [E]nchong kasama niya. [C]hararat daw sabi ni Alex .”

Kasama ni Angeline sa red carpet ang asawa niyang si Nonrev Daquina. 

Ang 4 Sisters and a Wedding ay pelikula ni Cathy Garcia-Molina noong 2013, na sinundan ang kuwento ng apat na magkakapatid na sinusubukang pigilan ang kasal ng nakababata nilang kapatid na lalaki. 

Kasama sa pelikulang ito sina Coney Reyes, Bea Alonzo, Shaina Magdayao, Toni Gonzaga, at Carmi Martin. 

Sean Antonio/BALITA