December 13, 2025

Home BALITA Politics

Sen. Imee sinagot si PBBM: ‘Ako ‘to, kung ano-ano na nakikita mo!’

Sen. Imee sinagot si PBBM: ‘Ako ‘to, kung ano-ano na nakikita mo!’
Photo Courtesy: Imee Marcos, Bongbong Marcos (FB)

Nagbigay ng tugon si Senador Imee Marcos sa naging reaksiyon ng kapatid niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kaugnay sa pagsisiwalat niya sa paggamit umano nito ng droga.

Kaugnay na Balita: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM

Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Lunes, Nobyembre 24, hinamon niya ang Pangulo na patunayan nitong mali siya.

“Bongbong, ako 'to, kung anu-ano na nakikita mo ading. Patunayan mong mali ako - gusto kong mali ako,” saad ni Sen. Imee 

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Sa isinagawang press conference ng Pangulo kaugnay sa website o online portal kung saan puwede nang ma-access ang mga detalye tungkol sa flood control projects at iba pang infrastructure project ng pamahalaan, natanong siya ng isang miyembro ng media kung ano ang kaniyang naramdaman sa paratang ng panganay niyang kapatid. 

Anang Pangulo, “I do not like, we do not like to show our dirty linen in public. But so, I'll just say this much. For a while now, we've been very worried about my sister. When I say we, I'm talking about friends and family."

Ayon pa sa kaniya, tila hindi raw ang kaniyang kapatid na si Imee ang nakikita ng publiko sa telebisyon, at hangad niyang bumuti raw ang lagay nito sa lalong madaling panahon.

“And the reason that is because the lady that you see talking on TV is not my sister. And that view is shared by cousins, our friends, hindi siya 'yan... anong... hindi siya 'yan, so that's why we worry. We are very worried about that. I hope she [gets]... I hope she feels better soon," dugtong ni PBBM. 

Maki-Balita: 'The lady that you see talking on TV is not my sister, hindi siya 'yan!'—PBBM kay Sen. Imee