Nagbigay ng reaksiyon si Senador Imee Marcos sa babala ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa epekto ng droga.
Sa kaniyang Facebook account noong Linggo, Nobyembre 23, ibinahagi ng senadora ang pubmat ng MMDA kung saan nakasulat ang paalalang “Huwag mong hayaang baguhin ka ng droga.”
“OK,” saad ni Imee sa caption.
Matatandaang isiniwalat ni Sen. Imee ang tungkol sa umano’y paggamit ng droga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa talumpati niya sa ikinasang kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand noong Nobyembre 17.
“Batid ko na nagda-drugs siya,” anang senadora.
Maki-Balita: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na gumagamit diumano ng droga si PBBM
Kapuwa naman pinabulaanan ng Malacañang at ni Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ang akusasyong ito laban sa pangulo at kapatid ng senadora.
Maki-Balita: Castro sa akusasyon ni Sen. Imee na 'drug addict' umano si PBBM: 'Desperadong galawan'
Maki-Balita: Sandro sa paratang ni Sen. Imee sa 'drug addict' umano si PBBM: 'Hindi ito asal ng isang tunay na kapatid'