December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Sarap panoorin!' Kylie Padilla natuwa matapos ipakita ni AJ Raval mga naglalarong anak

'Sarap panoorin!' Kylie Padilla natuwa matapos ipakita ni AJ Raval mga naglalarong anak
Photo courtesy: Kylie Padilla/IG, AJ Raval/IG


Tila ikinatuwa ng Kapuso actress na si Kylie Padilla nang ipakita ng aktres na si AJ Raval, ang kasalukuyang partner ng kaniyang dating asawa na si Aljur Abrenica, na masayang naglalaro ang kaniyang mga anak.

Kamakailan kasi, tila hindi maipakita ni AJ ang kaniyang mga anak sapagkat kapansin-pansin na madalas ay nakatalikod ang mga ito, o kaya naman ay may takip ang mga litrato nito sa ibinabahagi niyang social media posts.


KAUGNAY NA BALITA: AJ Raval, may pa-soft launch sa junakis nila ni Aljur Abrenica?-Balita

KAUGNAY NA BALITA: Aljur, naka-bonding mga anak; netizens, may hinanap-Balita

Sa isang Instagram post na ibinahagi ni AJ Raval noong Linggo, Nobyembre 23, makikita na masayang nagbobonding ang mga anak ni AJ.

“She’s growing up with kuyas who adore her… and that’s a blessing I’ll forever be grateful for,” saad ni AJ sa kaniyang post.

Photo courtesy: AJ Raval/IG screengrab

Mababasa naman sa comment section ng naturang post ang komento ni Kylie Padilla hinggil dito.

“Sarap panoorin,” saad ni Kylie sa kaniyang comment.

Photo courtesy: AJ Raval/IG

Hindi naman napigilan ng netizens na ihayag ang kanilang sentimyento matapos mabasa ang naturang komento ni Kylie sa nasabing post ni AJ.

“proud sayo ma'am”

“aww pure kind heart”

“aw my amihan”

“big salute u Kylie, sending tightly hug I feel u”

“I'm proud of you pretty mom. Loveyouuuyyy”

“amihan Grabi ka.”

“i salute you and I admire you”

Matatandaang kinumpirma ni Kylie kamakailan na alam niyang may mga anak na sina AJ at Aljur, matapos siyang intrigahin ng netizens patungkol dito.

"Ito lng po comment ko para matapos na matagal ko na pong alam pero syempre inuna po namin ang kapakanan ng mga bata. Sobrang close sila at yun pinaka importante. Happy that now di na kailangan mag tago. Proud of you peace all around. Sana matapos na drama,” saad ni Kylie sa kaniyang social media post.

MAKI-BALITA: Kylie sa 'anak issue' nina AJ at Aljur: 'Matagal ko na alam, happy that now di na kailangan magtago!'-Balita

Kaugnay ito sa rebelasyon ni AJ na sila nga ay may tatlong anak na ni Aljur.

MAKI-BALITA: 'Not just 1, not just 2, but 3!' AJ umamin na, nakatatlong anak na kay Aljur!-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA