December 13, 2025

Home BALITA

Robredo, dadalo sa kilos-protesta: ‘Pero sa tabi-tabi lang!’

Robredo, dadalo sa kilos-protesta: ‘Pero sa tabi-tabi lang!’
Photo Courtesy: Leni Robredo (FB), via MB

Makikiisa si dating Vice President at Naga City Mayor Leni Robredo ikakasang kilos-protesta kontra korupsiyon sa darating na Nobyembre 30. 

Sa panayam nitong Lunes, Nobyembre 24, kinumpirma ng alkalde ang pagdalo niya sa nasabing pagkilos.

“Pupunta ako pero sa tabi-tabi lang. Feeling ko kasi ‘pag mga ganito, private. Dapat private sector. Dapat hindi pumapapel ang mga taga-gobyerno,” saad ni Robredo.

Dagdag pa niya, “Pero gusto ko ipakita na suportado ng mga taga-Naga City ang ganitong aksyon. Pero dapat siguraduhin natin ang safety ng mga participant.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Dalawang malaking kilos-protesta ang nakatakdang isagawa sa Nobyembre 30 sa magkahiwalay na lugar sa Metro Manila. 

Una na rito ang “Baha sa Luneta 2.0: Protestang Bayan Kontra Kurakot” na gaganapin sa lungsod ng Maynila habang ang ikalawa naman ay ang Trillion Peso March na ioorganisa sa EDSA People Power Monument sa lungsod ng Quezon.

Matatandaang unang inilunsad ang dalawang malawakang pagkilos na ito noong Setyembre 21 sa pareho ring mga lokasyong binanggit kasabay ng anibersayo ng deklarasyon ng Batas Militar noong 1972.

Maki-Balita: Mga lalahok sa 'Trillion Peso March,' walang sasantuhing politiko, wala ring dapat paboran—Kiko Aquino Dee

Layunin ng mga ito na ipanawagan ang pagpapanagot sa lahat ng opisyal na sangkot sa talamak na korupsiyon sa pamahalaan, partikular ang flood control projects.

Maki-Balita: Caritas sa Trillion Peso March: 'Filipinos will no longer stay silent'

Sa kasalukuyan, hindi pa tiyak kung alin sa dalawang ito ang dadaluhan ng alkalde.