December 13, 2025

Home BALITA

Poquiz, pinabulaanang inalok si Lacson para magsulong ng 'civil-military junta'

Poquiz, pinabulaanang inalok si Lacson para magsulong ng 'civil-military junta'
Photo Courtesy: Romeo Poquiz (FB), via MB

Itinanggi ni Ret. Gen. Romeo Poquiz na inalok ng grupo niyang United People’s Initiative (UPI) si Senate President Pro Tempore Ping Lacson na magsulong ng “civil-military junta.”

Sa latest episode ng radio program na “Ted Failon and DJ Chacha” nitong Lunes, Nobyembre 24, sinabi ni Poquiz na walang katotohanan ang paratang na iniuugnay sa kanila ng ilang tao. 

“Wala pong katotohanan ‘yan,” saad ni Poquiz. “In fact, ‘yong aming grupo ay isang patriotic na kilusan, non-partisan, non-political, non-violet saka rules-based.”

Dagdag pa niya, “‘Yon pong sinasabi nilang civilian-military junta ay hindi po naaangkop sa amin dahil kami ay constitutional-based. Wala pong katotohanan ‘yon. Wala hong lumapit sa aming grupo kay General Lacson.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matarandaang inihayag ni Lacson kamakailan sa isang panayam na nakatanggap umano siya ng alok para sumapi sa pinaplanong civil-miltary junta. 

"Sa akin may nag-udyok [at] gusto civil-military junta. May mga nagme-message retired military hindi ko ibabanggit ang pangalan, dine-dedma ko nga,” anang senador.

Ang civil-military junta ay isang awtoritaryang sistema ng pamahalaan na ang namumuno ay binubuo ng mga matataas na opisyal ng kasundaluhan.