Sinagot ni Pangulong Bongbong Marcos ang tungkol sa pagbaba sa puwesto nina dating Executive Secretary Lucas Bersamin at dating Department of Budget and Management (DBM) Amenah Pangandaman, Lunes, Nobyembre 24.
Sa isang press conference ng Pangulo, kasama ang Malacañang Press Corps (MPC) sa Presidential Broadcast Studio (PBS) sa Kalayaan Hall ng Malacañang Palace, itinanong sa Pangulo kung bakit hinayaan ng Palasyo na magbitiw sa puwesto ang dalawang opisyal.
Sagot ni Marcos, nag-usap na raw sila ni Bersamin habang si Pangandaman naman ay tinanggal sa puwesto.
"Nag-usap na kami. We understand each other and we decided to keep it between ourselves. There's no bad blood, there is no acrimonious feeling," aniya.
Dagdag pa niya, "Si Sec. Mina because her name was dragged into the whole thing, it makes it clear that whatever is going on, kung anuman ang mga kwestiyunin, kung anuman ang mangyayari, we want to be sure that she's not in a position where she might be suspected of influencing all that. Kasi when she's out of government wala na siyang impluwensya. So, hindi mo naman masasabi na inayos niya yung kaso niya."
Matatandaang sinabi ng Palasyo na nagbitiw sa puwesto ang dalawang opisyal "out of delicadeza."
“Both officials respectfully offered and tendered their resignations out of delicadeza,” ani Castro noong Nobyembre 17.
Kasunod ito ng naging unang pahayag ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa pamamagitan ng isang video noong Nobyembre 14, kung saan tahasan niyang isiniwalat na nag-utos diumano si PBBM na mag-insert ng ₱100 bilyon sa 2025 national budget.
At sa naturang pahayag, nabanggit din ni Co si Pangandaman at ang apo ni Bersamin na siPresidential Legislative Liaison Office Undersecretary Adrian Bersamin.
MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget
Samantala, nilinaw naman ni Bersamin na hindi siya nag-resign.
“I did not resign. Earlier in the day last November 17, someone called me to tell I had to go as the ES. The call was not from Malacañang,” sagot ni Bersamin.
MAKI-BALITA: ‘I did not resign!’ Lucas Bersamin nilinaw na ‘di siya nag-resign, pero sinabihang ‘he had to go’
Sa isang press briefing noon ding Nobyembre 14, sinabi ni Pangandaman na ang bicam ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng lehislatura.
MAKI-BALITA: Sec. Pangandaman sa akusasyon ni Co: 'The bicam is purely under the power of legislature'