January 04, 2026

Home BALITA National

PBBM, aminadong wala nang tiwala ang taumbayan sa gobyerno

PBBM, aminadong wala nang tiwala ang taumbayan sa gobyerno
Photo courtesy: Mark Balmores/MB

Inamin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na nawala na raw ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno, partikular na sa pagpapanagot sa mga akusado sa korapsyon sa maanomalyang flood control projects.

Sa kaniyang press conference nitong Lunes, Nobyembre 24, 2025, iginiit ng Pangulo na umaasa raw siyang unti-unting makuha ang tiwala ng publiko—ngayong may mga nakulong nang indibidwal na sangkot sa naturang maanomalyanng proyekto.

“This will satisfy our need, our desire. That people now have no faith in. Walang katiwa-tiwala ngayon ang taumbayan hindi ko naman sila masisi. Wala silang tiwala sa sistema ngayon, ay sana naman eto, ay maibalik natin ang kumpiyansa ng ating mga kababayan ng ating mga kababayan sa ating pamahalaan,” ani PBBM.

Saad pa niya, “I know it is just a first step, but it is just a first step. We will keep going.”

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Matatandaang nito ring Lunes nang umaga ng ihayag niyang matagumpay na naaresto ang ilang indibidwal habang patuloy pa ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga nauna nang nasampahan ng kaso.

“Pito na po sa mga indibidwal na may warrant of arrest sa Sandiganbayan kaugnay sa [flood-control anomalies] ang nasa kustodiya na ng ating mga awtoridad,” aniya. 

Paliwanag ng Pangulo, anim ang sumukong mga indibidwal sa Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) habang isa naman ang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI). 

Isa naman sa kanila ang inaresto ng NBI at anim naman ay boluntaryong sumuko sa CIDG. Mayroon ding dalawang akusado na nagpahayag ng intensyon na sumuko at susundin na ang PNP - CIDG,” paglilinaw niya. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM sa arrest warrant laban kina Co, iba pa: '7 hawak na ng pulis, 2 susuko, 7 di pa nahuhuli!'

Samantala, may mensahe rin si PBBM para kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co— na itinuturing na isa sa mga high profile na tinutugis ngayon ng mga atworidad.

“Umuwi siya rito. Harapin niya ‘yong mga kaso n’ya. Kung mayroon siyang gustong sabihin, sabihin n’ya. Malalaman naman ng tao ‘yan,” saad niya.

“But come home. Ba’t ka nagtatago sa malayo?” giit pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: 'Ba't ka nagtatago sa malayo?' Zaldy Co, umuwi raw muna bago magbato ng mga alegasyon—PBBM