December 12, 2025

Home BALITA

Padilla pinadadagdagan pondo ng ahensya sa wika, kultura

Padilla pinadadagdagan pondo ng ahensya sa wika, kultura
Photo Courtesy: Senate of the PH (FB)

Umapela si Senador Robin Padilla ng karagdagang pondo para sa mga ahensya ng gobyerno na nagtataguyod sa kultura at wika ng Pilipinas.

Sa ginanap na plenary debates para sa 2026 national budget nitong Lunes, Nobyembre 24, sinabi ni Padilla

“Ako po naman ay hindi magtatanong. Bagkus ako po ay magbibigay ng malinaw na manipestasyon at suporta sa lahat po ng may kinalaman sa ating kultura, wika, pagkakakilanlan, kalayaan,” saad ni Padilla.

“Ito po ay isang bagay na dapat po ay dagdagan pa ng budget itong ahensya na ito,” pagpapatuloy niya. “Sapagkat ang puno raw na hindi matibay ang ugat pagka dumating ang bagyo ay madaling matumba.”

Bato, masayang nakita ang apo

Dagdag pa ng senador, “Ang kultura po at ang ating ay ‘yan po ang ugat ng ating pagka-Pilipino.”

Ito ay matapos ihatid ni Senador Loren Legarda ang kaniyang privilege speech bilang sponsor sa budget ng National Commission on Culture and Arts (NCCA).

Matatandaang si Legarda ang nagsisilbing chairperson para sa Senate Committee on Culture and the Arts.