December 16, 2025

Home BALITA Probinsya

Matapos maging crime scene: San Fernando El Rey Parish sa Liloan, muling nagbukas sa publiko

Matapos maging crime scene: San Fernando El Rey Parish sa Liloan, muling nagbukas sa publiko
Photo courtesy: Contributed photo

Isang buwan matapos pansamantalang isara sa publiko, muling binuksan ang San Fernando El Rey Parish sa Liloan, Cebu.

Kasabay ng Christ the King, muling binuksan ang simbahan at pinagdausan ng misa noong Linggo Nobyembre 23, 2025. 

Pinangunahan ni Cebu Archbishop Albert Uy ang nasabing misa na siya ring nagkumpirma na "reconsecrated" na raw ang simbahan matapos itong maging crime scene sa pagkamatay ng isang babae.

Ang reconsecration ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga liturgical ceremony upang muling mabasbasan ang pagiging sagrado ng simbahan at maging ang mga bahagi nito katulad na lamang ng altar at iba pang banal na bagay sa loob nito. 

Probinsya

Pulis, namaril ng sundalo sa Zamboanga City; love triangle daw?

KAUGNAY NA BALITA: May dugo sa ilong, sugat sa ulo! Bangkay ng babae, natagpuan sa loob ng simbahan sa Cebu

Matapos ang imbestigasyon, nakumpirma sa pamamagitan ng CCTV footage ang aktwal na pagpaslang sa biktima, na siyang naging dahilan upang pansamantala munang ipasara ang pook dalanginan sa publiko. 

“I, as the Archbishop of Cebu, decree the temporary closure of the Parish Church of San Fernando Rey, Liloan. All public acts of divine worship are to be suspended until proper canonical procedures are completed to ensure the reparation of the desecration and the restoration of the church's dignity as a house of prayer and peace,” paglilinaw pa nila.