December 13, 2025

Home BALITA National

'Mananagot din kayo!' PBBM, nagbabala sa tumutulong sa mga sangkot sa flood-control anomalies’

'Mananagot din kayo!' PBBM, nagbabala sa tumutulong sa mga sangkot sa flood-control anomalies’
Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos (FB)

Nagbigay ng babala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kaugnay sa mga umano’y nagtatangkang tumulong magtago sa mga sangkot sa umano’y maanolmayang flood-control projects na tinutugis na ngayon ng mga awtoridad. 

Ayon sa inilabas na bagong video statement ng Pangulo sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Nobyembre 24, mayroon daw nasilbihan ng warrant of arrest ang National Bureau of Investigation (NBI) sa isang akusado na wala umano sa kaniyang tirahan. 

“‘Yong isa pong nahuli ng NBI ay natagpuan po sa kaniyang hindi sariling tirahan,” saad ng Pangulo,  “kaya’t mananagot din ‘yong mga nagtatago sa kanila.” 

Mungkahi ni PBBM, tulungan na lang daw nila ang mga sangkot sa flood-control anomalies na sumuko sa mga awtoridad. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Kaya’t sinasabi natin ‘yong mga may balak tulungan itong mga ito ay ang pinakamalaking tulong na ibigay ninyo sa kanila ay mag-surrender na sila,” aniya. 

“Para makasagot na sila dito sa mga alegasyon na kinakaharap nila,” paglilinaw pa ng Pangulo. 

Nagawa rin magbigay-babala ni PBBM na maaari umanong managot ang magtatangkang tumulong sa mga sangkot sa nasabing isyu. 

“Sa mga nagtatangkang tumulong sa pagtatago [ng mga sangkot], tandaan ninyo na kahit papaano, mananagot din kayo kung kayo ay nagtatago ng isang fugitive from justice,” pagdidiin niya. 

Bukod dito, matatandaang muling naglabas ng bagong ulat si PBBM tungkol sa mga indibidwal na tinutugis na ng awtoridad kaugnay sa umano’y maanomalyang flood-control projects.

MAKI-BALITA: PBBM sa arrest warrant laban kina Co, iba pa: '7 hawak na ng pulis, 2 susuko, 7 di pa nahuhuli!'

“Pito na po sa mga indibidwal na may warrant of arrest sa Sandiganbayan kaugnay sa [flood-control anomalies] ang nasa kustodiya na ng ating mga awtoridad,” anang Pangulo nito ring Lunes, Nobyembre 24. 

“Sa tatlong warrant at labing-anim (16) na pangalan, pito na ang hawak ng ating awtoridad. Dalawa [ang] susuko na. Pito ang nananatiling at large at kasama na diyan si Zaldy Co,” paliwanag niya. 

“Sa lahat ng natitirang akusado, ang aking payo sa inyo ay sumuko na kayo. Huwag n’yo nang hantayin na hahabol-habulin pa kayo,” pagtatapos pa ng Pangulo.

MAKI-BALITA: Dizon sa pagkaaresto ng 8 sangkot sa maanomalyang flood control projects: 'Umpisa pa lang ito!'

MAKI-BALITA: 'We will find you!' Mensahe ni DILG Sec. Remulla, sa mga nagtatagong akusado sa flood control

MAKI-BALITA: Zaldy Co, gumagamit umano ng ibang pasaporte kaya hindi maaresto—DILG

Mc Vincent Mirabuna/Balita